Feelings

Na try niyo na ba tanungin si hubby niyo tungkol sa ex niya ? Ewan ko Bakit bigla ko syang tinanong kung sya ba naka virgin sa ex niya bago maging kami .. May konting Kirot saakin ? Pero Sabi niya Wala na daw yun tapos na .. matagal na panahon na daw yun .. Kayo kung , kayo yung nag tanong Ano mararmdaman niyo ?

77 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Move on na. Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Wala ka naman ng magagawa, parte na ng pagkatao at nakaraang buhay niya yung EX niya, kaya nga EX. Unless may contact pa sila o meron silang anak o meron silang pagkikita pang nagaganap. Pero kung wala naman na, para saan pa yung pag-uungkat mo. First boyfriend mo ba siya? Kung hindi, maiintidihan mo naman dapat ang sitwasyon niya. Ikaw ang nasa present, ikaw din naman siguro ang future. Ibaon na ang nakaraan at wala ka naman ng magagawa. Kapag mag-asawa na, hindi na maganda pag-usapan pa ang mga EX. Kung may currently nanlalandi o nilalandi siya, yun ang issue. Pero kung wala naman, good for you. Hindi healthy yang ginagawa mo. Pag-aawayan niyo lang yan, plus lalo mo siya napag-rereminisce ng nakaraan na hindi na sana niya naalala, hanggang eto ngayon at naungkat mo pa. Pray for the present, and future. Tapos na ang past, wala na tayong magagawa doon.

Đọc thêm

Nitong naging magasawa nalang kami napagkwekwentuhan na namin yung sa mga exes niya, minsan tinatanong ko din kung pano sila naging tapos pano sila nagbreak. Yung ano tratuhan nila nung magjowa sila. Pang3rd niya kong gf e. Tas yung mga sinundan ko 3yrs sila nagtagal din. Kaya understood na saking di ako ang una niya hahaha ngayong asswa ko na siya wala naman na sakin kung ex naman na yung pinaguusapan. Never din ako nakaramdam ng kirot ngayong napagkwekwentuhan namin. Pati nga yung mga girls na na-anes niya na di naman niya gf, alam ko. Hehehe Advise ko lang po, kung may mga tanong ka, and alam mo sa sarili mo na hindi kapa ready marinig yung pwede niyang maging answer, dont ask po muna. Kasi tulad niyan, nasaktan ka lang tapos maiinis ka sakanya tapos pwede pa kayo magaaway dahil sa naramdaman mo.

Đọc thêm

ako sis natanong ko si hubby hehe at sinagot naman nya pati dun sa kabit nya hahaha peto di kmi nag away at naniniwala naman ako kasi bago pa ako ligawan alam ko na background nya, pati ako alam na din nya parehas kami di na virgin nun pero pinakasalan nmin isat isa... tanggap nmin isat isa . pero totoo yung kanta no madonna... he made me feel pa din na virgin at di basta basta na babae. wag ka na masaktan. 😉 pinag usapan po nmin yan bago matulog.. hehehe sabi nya binigay lng nya sarili nya sa mahal nya pero di nya mahal kabeit nya nun kaya wala nangyari. (may onting doubt pa din)hehe pero pinatawad ko na sya ngayon normal n lng banggitin ganun pero walang bigat sa damdamin

Đọc thêm

knwento lahat ni hubby skn yan. hindi din naman sya un first ko lol kwento nya pa skn un first nya is random na babae na nkilala nya lg with his barakada nuon ngnight out daw sila nuon high school lol regarding sa ex hindi ako nagseselos masyado kasi la nmn kwenta un 3 ngng ex nya iniwan lg sya dhl sa 3rd party and his relationship only lasted for weeks or a month sa 3 na yan and I know mas better ako 😬 hahaha, mas ngselos ako sa ex crush nya for 7 years tho 😂 pero lge nya ko sinasabihan na kht ngng crush nya un kme tlga tnadhana (charot haha) kasi dme nmen connections ni hubby na almost magkakilala na sna kme nuon pa lol

Đọc thêm

Ako mamsh alam ko halos lahat about sa ex nya. Tinatanong ko kasi sa kanya para kung may marinig man ako at least hindi na ako mabibigla. May ex yung hubby ko mamsh 15 years sila tas 3 years pa lang silang hiwalay nung naging kami. Pinagkukwento ko sya and tinanong ko din yung about dyan. Sa akin mamsh ok lang naman. Di naman kasi natin kontrolado yun dahil wala pa tayo sa buhay nila nung mga oras na yun. Syempre di din maitatanggi na minahal din nila yung tao kaya ganun nangyari pero ang isipin mo mamsh ikaw na yung mahal nya ngayon. Yung ex nya maski sya pa nkauna ex na lang yun at may dahilan bakit ex na lang sya.

Đọc thêm

D maiwasan magtanong ng mga bagay na yan, pero if hindi comfortable c hubby we have to respect kasi wla nman na din tayo mkkuha dun kasi nangyari nman yun nung wla pa tayo sa buhay ng mga asawa natin..ako nga Mommy e 8 years sila ng ex nya tapos kahit kami na nagkkita parin sila ng ex nya kaya magulo ang start ng relationship namin,kaya nung una ntatanong ko ano feeling ng dalawa kami,etc. kasi for me I think I have the right to know since naging part ako sa relationship nila (I'm in between) ng d ko alam, nalaman ko nung kasal na kami,wla nko magawa kundi accept nlng.

Đọc thêm

ai ako mommy hnd ako nagtatanong ng mga tungkol sa ex haha... ayoko mastress... maramdamin pa naman ako 😂 hnd din kami nag uusap about sa mga ex,.. mas marami kaming ibang bagay na pinag uusapan hehe pero minsan naiisip q anu kaya dahilan bat sila naghiwalay, eh sakin naman parang sobrang ok na ok ang partner q... mabilis ako magsawa (it doesn't mean marami akong ex haha) pero eto lang tlga partner q ang napagtyagaan ako at napagtyagaan ko 😂😂😂 minsan naccurious ako pero hanggang dun lang... ang importante eh ung present at future^^

Đọc thêm

I tried that nung mag bf/gf pa kami, sharing pasts (my ex was also ex-bandmate ko while ex nya is a former classmate/friend ko rin) nag sharing kami but that happened once, clarifying things, being ready as well as open minded kung ano maririnig namin sa isa't isa, assuring na talagang wala na sila sa ex nya and kami sa ex ko. And that happened only once and dapat once lang. Hehe no more ff up questions the day after etc. Dapat pag mag ask ka about things like that dapat maging aware ka kung ano topic nyo and ready kung ano isasagot

Đọc thêm

I asked nung alam ko sa sarili ko na di na ko masasaktan or magseselos. Ilang years na din kami kasal bago ako nagtanong about sa mga exes nya. However, I didnt feel comfortable talking about sexual encounters. Pinagusapan lang namin why It failed. But also thankful that it did kasi kung nagwork ang isa sa past relationships nya or mine eh di kami magiging magasawa. Sabi nga ng bestfriend nya nung kasal namin, it doesnt matter sino o ilan ang past, ang importante eh ako ung piniling pakasalan at makasama habang buhay😊

Đọc thêm

I feel you. Although start palang ng relasyon namin open na sya sa topic about exes nya. Tapos i learned yung sinundan ko sya naka virgin. May kirot talaga. Lalo na di na ako buo ng nakuha nya. May insecurity ba. Pero lagi nya sinasabi sakin, aanhin nya yung sya nga nakauna pero habang tumatagal pagsasama nila di naman sya iniintindi? At lagi rin nya pinapaalala sakin na ako na queen nya ngayon. May halong pang uuto pero nakakagaan sa pakiramdam kahit papano. Haha

Đọc thêm