Selos
Dapat pa ba tayong mag selos sa ex ni hubby kahit matagal na panahon na yung sknila ni ex , saka kaya ka nag seselos kasi si hubby yung nakauna kay ex .. tia
"Dapat ba"? ang sagot hindi. Pero hindi mo naman kayang kontrolin kung ano ang nararamdaman mo, natural yan. Pero, anong dahilan bakit mo nafi-feel yan? Nai-open mo ba ito sa husband mo? Kung wala naman na silang communication, balewala ang pagseselos. Sabi nga nung iba diba, dibaleng hindi ikaw ang una basta ikaw ang huli. Ikaw ang asawa, ikaw ang pinakasalan. Nasayo ang alas. Kung meron mang issue, mainam na iopen ito sa asawa para ma-clear ang mga bagay-bagay.
Đọc thêmBakit mo pa kasi iniisip yun momsh? Wala ka naman ng magagawa sa bagay na yun, kahit ano pang galit mo. Kung wala namang binibigay na dahil sayo si mister para pagselosan mo sa ex niya. Kalimutan mo na momsh. Ikaw naman na yung asawa, at sabi mo nga matagal na panahon na yun. As long as wala ng kaugnayan or nagkakasomething uli sakanila, hayaan niyo na po sa past yun.
Đọc thêmPart naman na un ng past nya, why cling to that? Ikaw naman pinili at pinakasalan, di natin mababago ang past na meron tayo at ung mga partners natin. Di mahalaga kung merong nauna satin, ang importante tayo ang huli sa life nila. Unless of course may basis yung pinaghuhugutan ng selos like may communication pa sa isat isa or anything more than casual.
Đọc thêmHindi dapat especially if assured and secured ka naman sa hubby or bf mo. Pero may mga klase kasi ng ex na sadyang mahaharot and walang delikadesa tulad ng ex nung hubby ko. 😂 Maiinis na maaawa ka nalang sa mga ganong klaseng babae. Desperada masyado e, di ata alam yung self respect, di na naawa at di pa makuntento sa current bf niya. 😅
Đọc thêmAko lahat ng ex ng asawa ko kilala ko at alam kong may nangyari lahat sakanila, kung sino first niya at kanino siya nakauna pero never naman akong nagselos. Kung alam mo namang di na big deal yun sa asawa mo, bakit mo pa ibibig deal sayo diba? Ikaw lang nagstress sa sarili mo.
I think, it's immature qng magseselos pa tayo sa bagay na yun. That is only a start if misunderstanding in marriage, besides we can't bring back and change the past we just have to accept it and move on. Pagtuunan nalang ng pansin ang present. :)
NO. Kasi unang una may ipinaramdam ba sayo husband mo na dapat kang magselod dun?? Di na issue kung husband mo man nakauna sa kanya. Ang importante un kayo ngaun. Wag ng ungkatin un nakaraan kasi dun minsan naguumpisa problema.
Wala namang dapat ika bahala mamsh , kasi ikaw naman yung present. Unless nag bibigay motibo si Mister sa Ex nya dyan ka na mabahala. Wag maging nega Mamsh, positive lagi. Present at Future ka, past na yung si Ex.
First love ng asawa ko ex niya, nakakaselos, iniisip ko nalang, ako nmn yung present and future niya e. Ahaha. Tas Binlock ko sa FB niya yung Ex ng asawa ko. Ahahah. Okay lang nmn sakanya. 😂😂
Ako before nung una pa kami, pero ngayon hindi. Secured nako kay hubby, although may anak sila ng ex niya, and si ex panay ang papansin kay hubby, dedmabels na lang, kever na si ate gurl 😂😂
Soon To Be Mom Through GOD's Grace❤