May free check up naman po sa public hospitals at center. Lumaban ka. May free rin na iron plus folic acid sa center. May paraan kung gugustohin mo lang hindi yung dahil nag iba situation mo nawawalan ka ng lakas ng loob. Kahit wa lang supporta kahit kanino tumayo ka para sa sarili mo at sa magiging anak mo. Dalawa na kayo isipin mo yan.
17 ako nabuntis but hindi ko naisip na ipalaglag ang baby ko. Mommy ka na sana isipin mo nyang gagawin mong kasalanan. Walang kamalay malay yung bata. Tanggapin mo yang binigay na biyaya ng diyos sayo. Matakot ka sa gagawin mo hindi sa sasabihin ng tao sayo. Diyos ko po paglinawin nyo po ang isip ng babaeng ito. Gabayan nyo po siya.
19 din ako nung nabuntis ako. UP student pa nga. Pero the moment na malaman ko nagsbai agad ako sa parents ko. Yes pinagalitan pero tinanggap naman. 3 months na today ang baby ko at kahit minsan ayoko sila mama na nagkukusang magbigay. After 2 months magttrabaho na ko ulit tapos after one sem babalik ako sa pagaaral.
Student din naman po ako pero never ako humingi sa parents ko sa lahat ng gastos. 30 weeks na ako now, complete gamit na si baby. Private hospital pa ako manganganak... Nalaman lang ng family ko na buntis ako nung 28 weeks ako kasi nagrent ako ng sarili ko na lugar. Ayoko umasa eh 😊 kung gusto, laging may paraan
Sis. Kaya mo yan, pumunta ka health center nyo para makapag pacheck-up ka dun at makakuha ng free vitamins. Yung iba nga mas bata pa kesa sayo pero kinaya nila e. Sa una lang yan mahirap pero makakaya mo yan. Wag mong isuko yung baby mo, hindi yan ibibigay sayo kung di mo kakayanin. Gumawa ka ng way para kay baby.
Kaya mo yan. Ako nga noon 16 years old nung nabuntis. 7 mos na nung nalaman ng family ko. Oo sa una na galit sila pero later on na tanggap din nila. Mas mahal ng mommy ko anak ko. Before ako manganak nagpabalik bayan box si mommy lahat gamit ng baby ko. Manalig ka lang di yan ibibigay sayo kung hindi mo kaya.
Sis wag mo po hayaan na mawala si baby . Masakit po mawalan promise . Kami po ng asawa ko sobrang nagnanais na po na magkababy, 2x na po ako nakunan pumapasok na nga po sa isip ko na mag ampon na lang . Pls sis wag ka pumayag . Kung ndi mo kaya buhayin yang baby p.m mo ko . Ampunin ko baby mo .
Huwag kang panghinaan ng loob dahil si baby ay blessings. Naniniwala si God sayo. Keep the faith. God is working on it for you. Basta alalahanin mo ang kapakanan mo at ng baby mo. Kumain ng mabuti at matulog mgrest ng maayos. Wag pkastress. Kapag nailabas na sya sigurado sasaya ka.
Neng binigay sa sayo ni Lord yung baby kaya hindi mo pwd sabihing pinag kakait sayo at si Lord ang gumagawa ng dahilan, ilaban mo sa pamilya mo yung baby mo, hindi lang ikw yung kabataan na maaga na buntis pero kaya nila panindigan baby nila.
Ung papa ng baby ko wala pake sakin at kay baby, pero kakayanin ko to kasi may support ng fam. Kaya mo yan sis. Girl power. Ayusin mo life niyo ni baby God's gift yan. Madami mag asawa di binibgyan ng anak swerte natin sis kaya laban
Gemaima Sampang - Panotes