Manual pump or milk catcher

Hello! 👋 Musta kayo mga mommies? Tanong lang. meron ba dito sa inyo na simula nanganak, hindi na gumamit ng e-pump? Na ang ginamit lang ever since is manual pump or milk catcher? And if meron, nakapag stash pa rin ba kayo ng breastmilk kahit pure milk catcher lang ginamit niyo?

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ako, electric pump ang gamit. At first I was considering yung milk catcher dahil ang dami kong nababasa na good reviews, and may mga kaibigan akong personally na nagrerecommend ng haakaa. Good thing ay hindi pa ako bumili at hindi ko rin pala magagamit. Kasi never rin naman naging sobrang lakas ng pressure ng bm ko kahit full breast. Kahit nga breastpad ay hindi ko nagamit dahil very minimal lang ang leak ng breasts ko even nung simula pa lng (marami na yung 5 patak kapag nagstart maglatch si baby). EBF kami ni baby for 6 months, and extended breastfeeding until 2y8m so hindi naman ako low supply. Sadyang never lang kusang sumirit ang milk ko 😅 I'm telling this kasi hindi rin applicable ang milk catcher sa lahat ☺️ So you might want to wait until pagdating ni baby mo to know whether or not a milk catcher will actually be useful to you.

Đọc thêm