12 Các câu trả lời
experience ko naman nalaglag ung first baby ko 1 month din sa duyan, ang taas pa ng duyan nya. ayon pinunta ko kaagad sa ospital pinatingnan ko kahit 200php lang pera ko. sinabi ng doctor nakita mo ba ng malaglag sabi ko hindi po. umiyak ba xa, sagot ko opo. malakas ba,sagot opo. tiningnan nila. wala namang pasa walang galos. ang sinabi sa akin, obserbahan mo sya pag kakaiba na yong iyak nya at kung sumusuka sya,bumalik ka d2 pag wala safe si baby. ayon shes 20 yrs old right now 2nd yr college at ngtapos ng senior hs with high honors 96 ang average. ayon sa matatanda pag ganyang edad pa dw sinasalo ng kanilang guardian angel. pero mas maganda patingnan mo talaga xa. wag mong patagalin.😁
dapat mommy hindi niyo rin po sanayin na nakadapa ang baby niyo na natutulog kasi it may cause SID (Sudden Infant Death). Kahit gaano tayo kapagod mommy kailangan natin isecure ang safety ni baby natin. Sila ang dapat ipriority natin over sa pagod natin. Kasi d na natin maibabalik ang pngyayari kung may mangyyaring masama kay baby ng dahil mas pinairal nating unahin ang pagod ntin. Kung alam naman nating pagod tayo, isecure na natin agad kalagayan ni baby bago magpahinga
Observe mo si baby mo sis, watch mo mga symptoms ng head injury: kumbulsyon o mataas na lagnat, sobrang pag susuka, labis na pagtulog, pagdurugo sa Ilong at tenga... Pag me mga ganyan ka Napansin takbo mo na agad sa ER... Pero kahit ngayon naman sis ng mapanatag kalooban mo pacheck mo na si baby kahit atleast xray magawa sa kanya to check lang, mainam na makasigurado.
Mas maganda kung dalhin mo na sa pedia mamsh. Parang newborn pa yung 1month. Look for these signs sa loob ng 24hrs. Hindi pantay yung itim ng mata, tulog ng tulog, nagsuka, unresponsive at iyak ng iyak. Kawawa naman si baby. Sana ok lang sya. 🙏
Pacheck n agad mommy. I feel your pagod at puyat ganyn tlga kpg newborn, kahit ako nakatulog nmn sa pagpapadede, pero tlga ginigising ko sarili ko. O kya kapg di kya sinsabi ko sa asawa ko patulugin muna ako pra maregain ung lakas ko.
Same. First baby ko. Natutulog sa dibdib ng daddy nya then nahulog sa kama. 2 weeks old. Pinacheck up agad namin. Sabi ni pedia observe daw kasi masama naman daw i scan sobrang baby pa. Pacheck mo sa pedia.
What happened po sa baby nyo? May bukol po ba? Same sa baby ko 😭 sobrang nakakapag alala. 1 month old naman sya.
Sis para mapanatag ka, ipatingin mo si baby sa pedia. Nakakaparanoid talaga mag isip lalo na kung kay baby. 😣 Pero sabi pag di mo daw nakitang nahulog di baby sinasalo daw yan ng angel nya.
kawawa naman si baby. dalhin mo nalang siya sa pedia ma para makasigurado may mga signs naman na ipapacheck sayo kung mejo seryoso yung pagkahulog niya. pero sana okay lang siya.
Same experience nakapatong din si baby sakin wala pa siya a month old nun. Gladly sa tabi ko lang siya nahulog ganito po yung pwesto niya yung nakita ko siya (photo not mine)
Pacheck up mo nalang sya para sure tapos observe mo din kung mananamlay sya lalagnatin or magsusuka kawawa naman si baby
Anonymous