21 Các câu trả lời

hi mommy buti ka po bedrest sa bahay ,ako sa hospital mas mahigpit sila dun as in bawal LAHAT.nakadiaper ako dun na ang pee at poo kso di ako makapee talaga kapag wala nurses nagmamadali ako bumaba sa hospital bed then tatayo ako sa gilid lang para makaihi sa diaper .one time nahuli ako nakababa sa kama ng doctor naku katakot takot na sermon inabot ko hahahahaha hindi kasi pwdeng tumayo at duduguin kso magkaka uti naman ako dhil di ako makaihi ng nakahiga inalis na kasi yun catheter ko nun puro soft food din ako dhil bawal mapwersa so sawang sawa ako sa lugaw bawal din champorado at milk kasi mataas sugar ko wahhhh pero nairaos ko lahat ..4 months na si baby ❤

naadmit ako nun 28 weeks pa lang kasi 1st time nag heavy bleeding grabe shock ko talaga that time umihi lang ako then nakita ko sa underwear ko may blooodd😱 kinabahan ako pagsilip ko sa bowl my goddd kulay red din tumayo ako then paglaksd ko palabas cr tumutulo na talaga as in hanggang room kumuha ako napkin but sad to say di kaya ng napkin may tulo pa din hayun isinugod na ako hospital at naadmit ng 2 weeks hanggat my bleeding di ako pinalabas .nun okey na bedrest pa din sa bahay . tpos may time talaga na malakas bleeding ppunta na naman hospital admit na naman placenta previa kasi ako 😅

1 month bedrest po ako, syempre more on higa ka lang. Ang advice po ni doc saken, pwede tumayo kung mag ccr basta dahan-dahan lang kilos. Dahan-dahan din lakad mo. Kung kakain naman po, pwede kang umupo pero much better kung dun na lang din sa higaan mo. Syempre bawal ka sa mga gawaing bahay. Bawal na bawal ka din po mag bubuhat lalo na yung mga mabibigat. Mag lagay ka po ng dalawang unan sa may paanan mo para naka taas ng konti then makakaranas ka din ng ngimay o manas, pa pisil mo na lang yung mga paa, binte, hita, kamay, balikat, braso minsan sa kasama mo sa bahay. Huwag yung sobrang massage

True! Pero ang hirap po kaya umihi sa diaper. Buti na lang pinagbawalan ako ni doc gumamit ng diaper kasi may possibilidad daw na mas lalo akong magkaroon ng infection. Ayun. In your case, tiis lang momshie, dapat bigyan din naten ng reward o appreciation yung mga mag aalaga saten.

dipende po kung gano karisky. meron po talaga na sa kama na pinapaliguan kasi sobrang risky. sakin kasi pinagcomplete bedrest ako. lamesa ko nasa tabi mg kama ko, cr mga 10-15 steps lng sa kama ko, pag nagttoothbrush ako nilalawit ko lng ulo ko sa higaan tapos may timba sa baba ng kama ko para sa pinag mumugan ako. pag ligo, after 3 days bago ako maligo, nag pupunas nlng ako . dahan dahan lng din ako maglakad pag pupuntang cr

ilang weeks kana sis?

Bedrest ako before pero pinapayagan naman ako ng OB ka na tumayo if magCCR and maliligo. Yung strict bedrest usually nirerecommend sa mga talagang super selan like yung mga open ang cervix na anytime pwede lumabas si baby. If nakabedrest ka po, you can ask your OB about it.

Syempre pag kakain ka umupo ka naman mahirap kaya kumain ng nakahiga lalo na kung solid kinakain mo. pagsinabing bed rest di naman totally bed rest kahit pag dumi nakahiga kaloka yun diba. Pahinga ka lang wag masyado mag galaw galaw pahinga lang mumsh yung makakarelax ka.

Aq pinapabed rest pero ngpupnta p q sa palengke....Ngluluto pa q araw2...Nglalaba ng clothes q...Mnsan nkakarating p q sa city..pero ok nmn aq till now..more on higa lng kc aq...Tpos d ngbubuhat ng mbigat saka tinetake q med q....Pero d aq totally n sa bed lng tlga...

Mamsh.. Pag bed rest mostly pahinga bawal ka po mag kikilos kilos, pero di naman pati po ung pagkaen,inom,lihi,ligo eh sa kama po 😂✌ Hindi ka lang po pwede mapagod, magbuhat mastress.. Pahinga kpo most of the time.. Pero you need to do an exercise pa din

Hindi naman po sa ganun mommy, kailangan lang po minimal movement at hangga't maaari, nakahiga lang. Yung pagkain ayos lang naman umupo pero magpadala ka na lang ng food ss kwarto para di ka na lalakad. Ayos lang din po tumayo para umihi.

Naka bedrest po ako now. sabi ng OB ko as in tatayo lang daw if mag babanyo at kakain. wag muna daw kilos kilos for 10days. depende po ata kung ano advise ng OB sa atin lalo na if sobrang selan ng pag bubuntis ee.

Pag total bedrest ganun, ligo lang ang hindi. Pero pag ihi at poop, gumagamit ng urinal at pan. Para lang un sa mga sobrang selan ,yung as in mapwersa lang ng konti may tendency ng makunan kaya wag kayong tumawa

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan