Nakakatulog so baby while latching

Hi momshies, may same experience ba dito like me..si baby ko 26 days old, pag nadede sya saken nakakatulog sya. So paglapag ko sa kanya Wala pang 5mins gising na tapos dedede ulit..paulit ulit lang na ganun hanging abutin kami Ng ilang oras. Bakit Kaya ganun normal ba un na makatulog sya habang nadede tas pag nilapag mo iiyak tas dedede ulit... Nabubusog Kaya sya?

7 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mommy normal yan. As long as nagpupupu at nagwiwiwi si baby he/she is fine. Kpag breastfeeding po ganyan talaga. Laging nakasalpak ang dede sa baby. Unlilatch lang sila. Feed on demand. Wag mo isiping hindi sya nabubusog. Kasi kung nagpupupu naman sya ibg sabihin enough ang nakukuha nya. Dont consider FM para maging successful ang breastfeeding journey nyo ni baby. Lalakas pati ang gatas mo kapag unli latch. Kapag nagbgay ka FM hihina milk supply mo. Going 5mos na baby ko sa 11. Exclusive breastfeed sya. 2 months ako halos wala tlga magawa dahil sa pagpapadede kay baby. Tyaga lang mommy. Dont worry. You're on the right track

Đọc thêm

And yung sa pag nlalapag mo sya tas nagigising. Normal lang yan mommy. Ang mga EBF ksi na baby mas clingy sila sa mommy. Remember 9mos yan sa tyan mo. Naninibago pa sya. Kaya gusto nya lagi mo sya hawak kasi mas ramdam nya yung security kapag hawak mo sya. Gusto nya yung amoy mo. Yung init ng katawan mo. Yung heartbeat mo. Boses mo. Nkakatulog sya habang nakadede syo kase he/she feels secured. 😁 hope this helps po.

Đọc thêm

same na same po tayo mommy. ganyan din po baby ko. kaya nahihirapan po ako sa pagiging fulltime breastfeeding mom. ako po ginagawa ko nilalapag ko na agad si baby pag papadedein ko. okay na okay naman po si baby ko. pero pag dumedede sya tas nakakatulog tas aalisin, nagtitiis nalang po ako sa formula at breastfeed kasi baka di nabubusog si baby

Đọc thêm
5y trước

Ilang days or.month na po baby mo?

no mommhie dpat make sure n busog c baby bgo mo ilapag kc gnyn tlga tendencies n mngyyre s inyo dlwa,,bgo mo ilapag c baby try to slowy move ur breast away s mouth nya and if u sees n prang ndede p dn ung action ng bibig nya means ndi p cxa busog kya pg nilapag mo nggising cxa agad

Thành viên VIP

Normal naman yan mommy, may araw na ganyan sya may araw din na pag super busog sya mas matagal tulog nya, ganyan kami ng 1month old baby ko. Mas masarap at matagal lang tulog nya pag nakaaircon haha

5y trước

Ganyan rin sakin mommy, iyak ng iyak na parang walang nakukuhang dede pero di nya lang makuha ung tulog nya pag ganun, may time nga rin na maghapon gusto nya nakasalpak lang dede sakanya e

normal lang po yan.may pagka clingy po tlaga ang mga ebf babies.pero ok lang po yan mas feeling po kasi nila secured and safe sila pag nararamdaman nila mommies nila

yes po normal lang po yan