Lying in or Hospital?

Momshies, saan mas prefer nyo lying in or hospital? And magkano estimated price for lying in and hospital?

52 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

It depends on you mommy. And to your budget i guess, 😅 But I prefer lying in. I have three daughters. All of them are born in lying in. Public and private. ☺ I pay 1,5k below. Ofcourse by the help of my philhealth. Super affordable and safe on lying ins. But again, it depends on you mommy.

First baby ko palang pero lying in ako. Sa Safebirth Clinic, alagang alaga ako ng midwife ko and super bait lahat ng staff. Kapag nanganak daw ako since first baby to midwide and OB ang magpapaanak sakin. 10k lang daw magagastos kapag normal, kapag cs naman itatransfer ako sa ibang hospital na choice ko.

Đọc thêm
5y trước

Momsh san branch ka po ng safebirth nanganak and sino po OB nyo dun?

Thành viên VIP

Sa Chinese Gen. Hospital po maganda. Pero dun kayo sa Charity nila. NSD nila nasa 3k lng babayaran mo less na yung philhealth and yung CS nasa 15k tapos maganda ang facilities at magagaling ang doctor. Same treatment sa private patients nila.

5y trước

Bago na kasi yung room nila di ko alam kung ilan. Monday, Wednesday tsaka friday yung first check up. Dapat 4am nandun ka na need photocopy ng 2 valid IDs tsaka dala ka ng extra money kasi may may kamahalan lab tests sa kanila yung iba pinapagawa agad di kasi sila nagtatanggap ng galing sa labas.

Ako lying in po..pero depende po sa sitwasyon ng buntis kung di naman risky ang pag bubuntis ok naman lahat ng lab test at di naman high blood at ok ang posistion ni baby e pwedeng pwede ka sa lying in,pero kung medyo risky hospital po.

Thành viên VIP

Gusto ko sana sa lying in kasi walking distance lang samin. Pero mas gusto ni mama na sa hospital ako kasi kompleto gamit nila dun. Ang ayoko lang kasi sa public hospital, siksikan ang mga buntis. Ayoko rin naman sa private kasi mahal.

Influencer của TAP

Mas maaasikaso ka sa lying in compared sa public hospital. Pero kung private at madami kayo budget sige lang. Sa safe birth lying in clinic ako nanganak, ob nagpaanak sakin. Less philhealth 10, 300+ nagastos ko kasama na new born screening.

5y trước

Momsh san branch ka po ng safebirth nanganak? how was your experience?

lying in. doon kc 1st baby ko and maasikaso sila lalo ako lng ung patient that time sa bill naman newborn screening bnayaran ko 500.00 yta kung d ako nagkakamali then ung meds na pampabukas ng pwerta kya 3hrs lng labor ko

Thành viên VIP

Maraming nagsasabi na pag sa hospital ka daw nanganak di ka tutulungan umire, titingnan ka lang daw ng mga doctor. Kaya sa panganay ko nag lying in kami and yes maasikaso at tutulungan ka nilang ipush yung baby.

5y trước

True po. Kaya nagdadalawang isip ako kung public hosp. Ako manganak ngyon kasi mahal na dn sa lying in na pinaganakan ko before sa 1st baby ko. Kaya no choice ako bagsak ko nito sa hospital. Ok namn sa lying in tlga maasikaso sila.

Thành viên VIP

hospital for me kasi sa hospital . cs or normal wala binabayaran kahit piso pag may philhealth sa lying in dito sa amin 3500 ata bayad . may bawas pag may philhealth pero may babayaran pa rin siguro 1000+

Lying in kasi second baby ko na to. Pero kung first baby hospital kayo mommy. May mga lying in kasi na di tumatanggap pag first baby 😊