as long as walang amoy at tuyo po ok lang, 2 weeks din bago natanggal sa baby ko. inangat ng pedia yung parang langib na ng pusod (may manipis na parang sinulid na lang yung nakakabit sa pusod) tas nilinisan ng alcohol yung ilalim, tinanggal yung mga tuyong dugo, the next day natanggal na 😊 di namin nilagyan ng bigkis si baby.
Yung kay baby ko po ganyan sin mas itim lang ng kaunti. Takot kaming galawin kaya dampi dampi lang ng alcohol tapos nung check up na ni baby pinunasan ni Pedia sa ilalim niya. Ayun natanggal. Di lang daw maalis dahil sa tuyong dugo sa ilalim.
Wag nyu po lagyan ng betadine mas maigi po alcohol 70% para mas mdali matuyo and then linis lang ng cottom buds sa gilid tpos patakan mo ng bulak na may alcohol ang pusod nya gannyan din sa anak ko wala pa 2weeks alis na pusod nya
wag mo mainip mamsh hayaan lang wag lqgi galawin ang pusod ni baby.pagkaligo alcohol,everytime papalitan ng damit alcohol lang.ganun lang mamsh.wait lang.wag mainip wag galawin.saken 17 days bago matanggal pusod ni baby ko.
alcohol lang mommy tska hindi lang sa ibabaw dapat nilalagyan at nililinisan dapat yung loob din para matuyo at matanggal yung pusod. Kasi kung sa ibabaw lang ang alcohol at linis, tendency basa yan sa loob o ilalim
alcohol at betadine lang po para matuyo din agad...😊..yung sa baby ko po midwife yung naglilinis at naglalagay ng betadine...saka iwasan din po mabasa ng tubig pag naliligo at ng ihi yung pusod..
Alcohol lang po mommy, 70% sa baby ko ganyan wala pa one week natuyo na kusa natanggal. pinapatakan ko lang ng alcohol tapos dampi ng cotton. hindi na din ako naglagay ng bigkis para matuyo agad.
mas maiging isopropyl alcohol 70% ang ilagay jan mommy kesa betadine. si baby ko 4days lg natanggal agad sa kanya. wag din po lagyan ng takip or bigkis pra mas mka hinga ang pusod ni baby.
alcohol with 70percent lang mommy after niya maligo, ska everytime n magpapalit ng damit buhusan m ng alcohol or ung bulak n may alcohol dampi dampi lang .wag m lagyan ng betadine moms
opo, wag nyo nlng po masyadong galawin baka mpadugo nyo pa po ng di sadya, kusa nmn po yn ntatanggal, tz wag nyo napong lagyan ng betadine alcohol lng po.