I AM NOT HAPPY WITH HUBBYS ATTITUDE
Hello Momshies and Dadshies! Natatakot na ako sa husband ko, both parents niya namura na niya dahil lang sa hindi naman ganun kabigat na mga dahilan. Nawalan siya ng respeto sa magulang niya kasi tinigil na nila yung pag sustento sa kanya since 30yrs old na siya at bumuo na ng sariling pamilya, pero til now hindi pa rin siya marunong tumayo sa sariling paa kaya grabe nalang yung pagiging mainitin ng ulo niya lalo na pag walang pera madalas sa magulang ko lang kami umaasi ngayon lalo na buntis ako. Parang awa nalang nararamdaman ko kasi galing siya sa isang broken fam tho hindi naman nagkulang magulang niya sa pag sustento at sunod sa luho niya pero since then pag hindi siya napapadalhan or hindi nasunod gusto niya grabe ugali niya sa magulang niya to the point na minumura na niya. Hanggang sa nainis na mga magulang niya at tinigil na yung sustento sa kanya recently. Iniisip ko po baka pagmalupitan niya yung magiging anak namin natatakot po ako kasi sa magulang niya ganun siya what more pa po kaya sa amin? Ano pong pwede kong gawin? #advicepls #pleasehelp #firstbaby
mahirap yung naasa sa magulang kahit na sa 30's and 40's na yung edad. pano nalang pag hindi na kaya ng magulang magsustento . Mahirap magstay sa ganyang tao. wala lang danas ko lang. na ultimo kakainin niyo magulang niya pa lahat bumibili , nakakasad lang na bumuo siya ng pamilya pero sa magulang niya din iaasa. Kaya ako nagsusumikap ako na wag na ulit danasin yung ganyan kasi, ang hirap ng palagi kang may naririnig . Mas gusto ko parin tumayo sa sarili kong paa at magkaroon ng peace of mind kesa yung ganyang set up na pag na wala kang makukunan, iiyak ka nalang sa sulok. one time Naaksidente anak ko. Laboratory cT scan , kung anu ano kailangan. pero di namin agad nadala sa hospital kasi mas importante sakanya yung pera. Kasi never niya naranasan gumastos dahil magulang niya gumagawa at nagpoprovide ng lahat, nasaktan ako nun kasi ako housewife umaasa sakanya. nadurog puso ko nung ako walang sariling pera tapos wala akong magawa para sa anak ko. kaya sabi ko nun. hindi ako na papayag na etong lalaking lang to ang makakasama ko sa buong buhay ko. Masaya na ako na hiwalay na kami at the same time malungkot din para sa anak ko kasi broken family na siya at hindi kona kaya pang buoin yun. Tama sila don sa part na Kung hindi kayang bayaran ng partner mo yung kakainin niyo sa buong araw, pano ka nakakasiguro na kaya ka niyang buhayin at ang magiging pamilya mo pagdating ng araw. gising tayo momsh, wala tayong mapapala sa mga MAMAS BOY , asa sa magulang kahit 40 na . haist
Đọc thêmGanyan din yung LIP ko kaka 31 y/o nya lang this yr after nya grumaduate nakapag work sya sa resto ng 6 mos tas nung nagkasakit yung mama nya pinatigil muna sya ng ate nya para bantayan at alagaan mama nya then sumunod nagkasakit yung papa nya kaya di na sya nakabalik agad, na tengga sya ng ilang taon kakaalaga sya magulang nya hanggang sa namatay papa nya. Kaya eto naman si LIP hirap na makahanap ng work kaya umaasa financially kami sa side nya lagi niya namumura mama nya pag di nakakapag bigay kahit sa pagkain ang hinanakit naman nya is inalagaan niya sila kaya dapat bayaran daw nila yung naubos na panahon saknya. Eh kaso ayun simula na buntis nya ako sobrang pahirapan pag hingi laging nasusumbatan na kesyo mag work at mag apply daw sya. Ako kasi nag resign dahil maselan pagbubuntis at pabalik balik Subchorionic hemorrhage ko. Sya naman pinipilit nya mag hanap kaso pahirapan talaga. So naiintindihan ko kung bakit yung Temper ng LIP ko is hindi nya makontrol kase ngavmay malaking pinanghuhugutan. Na try mo naba kausapin si partner mo? Baka may may malalim din pinanghuhugutan kya ganun sya sa family nya? Ako rin nung una sabi ko sa isip ko kung nagagawa nya sa mama nya pano pa sakin kase grabe talaga sya magalit at mag mura pero after non nag sosorry naman sya at alam ko pag wala ka namang maling gagawin saknya di sya magiging ganon.
Đọc thêmwell mamii, ako di ako perpektong tao, meron kaming tampuhan ng tatay ko pero lahat ng tampo ko sakanya ay sakin lang, di ko nasasabi, tahimik lang ako sakanya, di ko sya siansagot sagot kahit nasasaktan ako sa mga sinasabi nya sakin. Naalala ko nung bata ako natahi na ako sa ulo dahil nahulog ako, pag uwi napalo pa ako sa kanya. start nun natakot na ako magsabi. naranasan ko mabully sa school ako lang ang may alam. di ko naramdaman o naranasan ang ipagtanggol ako ng tatay ko ☺ Anyway, tama yan na na aalarma ka mamii, alam mo ang dapat mong gawin, wag kang matakot na mawala sya sa buhay nyo. mas lalo ka matakot sa kung anong pwedeng magawa nya sa inyo in the future kung ganyan sya. kasi ala sya pinipili kalabanin. mantakin mo ultimo magulang nya? ano ka sa kanya po? asawa ka lang, eh yung nanay at tatay nga minumura. what more sa anak nyo. or ang worst mapulot ng anak nyo ang ugali nyang yun. makakaya nyo po ba yun? Putulin na yung sungay habang maaga, kung nanood ka ng Attack on Titan yung anime, si eren sinuntok na nya yung titan habang nagtatransform sya, di na hinintay ni eren na maging full yung lakas ng kalaban nya, so habang nagtatransform yung kalaban inatake na nya ng suntok ☺ Sana makuha nyo po ang point ko ☺ Good luck mamii, praying for a bright light in your life. ☺♥
Đọc thêmNung mag jowa pa lang po ba kayo walang red flag? Usually pag ganyan ang attitude nag ddrugs... basta kung sinaktan ka niya, hiwalayan muna agad. Nakakatakot yung taong bayolente lalo na pagdating sa pera. Di naman na habang buhay ikaw ang mag aadjust sa ugali nya. For now, hayaan mo lang muna siya, be kind lang. Sguro open mo din ito sa parents mo or friends para if somthing happen (wala naman sana) alam ng mga kakilala mo na ganon pala ugali ng asawa mo.
Đọc thêmNagka-ex na ako ng ganyang palaasa sa magulang, wala kang mapapala jan. Baka ikaw pa pagbuntungan ng galit pag wala siyang pera. Matanda na asawa mo dapat maging responsable na siya. Lahat naman talaga hirap maghanap ng work pero syempre titiyagain mo talaga para sa pamilya mo. Hindi habang buhay anjan pamilya niyo para suportahan kayo. Di na lang kamo siya nagpamilya kung hindi niya kaya maging haligi ng tahanan.
Đọc thêmtalk to him . set some boundary. speak qith each other pano nyo plano palakihin mga bata . ano ung mga rules nya ganon. spoiled brat sya kaya matigas ang ulo. role mo na ipaintindi sa kanya na he need to grow up now. kung hindi tigilan mo na ngayon palang. pareho na kayong pabigat sa parents nyo. try to have a job too . wag laging asa
Đọc thêmDi ka na happy? Wag kang mag stay sa relationship na ganyan. Wala kang mapapala sa awa awa na yan. Mas maawa ka sa anak mo at sa sarili mo. Bumalik ka sa parents mo, para matulungan kang mag start sa buhay. Maghanap ka ng trabaho para mabuhay mo kayo ng anak mo. Hingan mo nalang yung lalaki ng sustento. Maraming paraan. Goodluck
Đọc thêmDapat kausapin nyo po sya, para sakin po hindi na po talaga responsibilidad ng magulang na tulungan pa sya. Sa edad nya na 30 dpt po maghanap na sga ng work para matustusan ang pangangailangan nyo lalo na buntis ka pa.Hindi naman pwde iasa nya sayo o sa magulang nyo. Heart to heart talk Ma.
Red flag. Ganyang edad na asa pa din sa magulang. Ano na lang mangyayari sainyo ng anak mo? Wag mo itolerate yung ganyang ugali dahil sa huli ikaw din mahihirapan. Madaming ibang tao na kahit galing sa broken family e hindi naman ganyan ang ugali.
Malaking factor na naispoil sya nung bata pa. Tama lang ginawa sakanya na di sya sinustentuhan. And mhie nung buntis ako nagwwork padin ako, parehas kami may work ni husband para iready sa panganganak ko. Both of you should stand on your feet po.