23 Các câu trả lời

Super hirap kasi may tahi ka, hirap gumalaw at umupo at lalo na magpadede. Kala ng iba nag iinarte lang ako e jusko di naman sila yung nanganak. Humina din akong kumain, naging maarte, lalong tamad kasi nagpapadede daming nagbago, ibang iba nung hindi pa ako buntis

Ang bilis din po pala ng recovery mo mommy 😊 will do po mommy! Hahaha ngayon pa nga lang po prob ko na din minsan constipation. Kaya mo yan momsh! Try mo prune juice 😊 Thank you po sa advice, mommy! ❤

Emergency CS ako mommy dahil humihina na ang heartbeat ni baby and she stayed sa Nicu for a week, hirap maglakad para magbanyo and mag upo on the first and second day pero nung 3rd day medyo okay na. Masakit lang yung kinabitan ng cathether yoko non hahaha

Noted po mommy. Thank you po ❤❤❤

Mejo ndepress peo nilaban ko kc lalo cs ako at sa.dami ng problema tinitignan ko nlang baby ko pra mapawi lahat , wala p nman dn 1 month nkarecover ako sa tahi ko since 2nd time ako cs.alalay.lang sa mga kilos.

Ano po kaya sa tingin niyo yung nagtrigger po ng depression? Mommy bakit po kayo na-cs? Sa tingin niyo po ba mas okay po ma-cs kesa po sa normal delivery?

ako cs parang lungkot na lungkot at mis na mis ko hubby ko that time kasi sa province ako nanganak sya lang mag isa sa manila lagi ko sya iniisip if okay lang ba sya if nakakakain ba sya ng tama .

Awww. Mejo i feel you momsh. Mejo ldr kasi kami ngayon pero sana pagmanganganak na ko eh magkasama kami. Thank you for sharing, mommy ❤

Mahirap umihi. Tpos pparang malalaglag matres ko di ako makatayo ng matagal kahit 1 week n ko nkapanganak(normal). Pero nawala din nman sya mga a month after. Medyo normaal na kilos ko.

Mommy parang nay uti po ba yung feeling pag umiihi? Mejo naprapraning po kasi ako sa mismong postpartum care kesa po sa actual labor. Buti po okay na kayo ngayon ❤

NSD ako sis. 8lbs si baby. So far, mejo nakakalakad naman na ako tho masakit pa yung tahi. Struggle po ang pag poop lalo na pag mahaba ang tahi like mine. Feeling mo nanganganak ka ulit

Grabe ang haba nga po 😦 Thank you, mommy ❤

Mamsh after i gave birth po c section here nastress ako sa pg iyak ni baby 1 month iyon to a point natatakot na me gumabi kc buong gabi xa todo iyak

Good luck, momshie ❤

nasakit ung balakang ko lalo na pag malamig

Thank you, mommy! ❤

VIP Member

Sobrang sensitive ko, mabilis sumama loob

Momsh di ka po nahirapan makarecover like sa pagihi ganon? Or sa tahi?

ff....😚😚😚

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan