Wala akong mapagsabihan. 🥺
Hello momshies. Ano bang tawag dito? 😔 Sobrang naiinggit ako sa mga barkada ni Lip. Kasi buti sila, isang sabi lang oo agad sya. Pag ako, mag aaway pa kami bago mag oo. Like punta kami sa dagat ng umaga/maaga. Ayaw nya, kasi inaantok pa daw sya. Pero pag tropa nya nag aya. Go agad sya. 🥺 Minsan, kahit gipit na kami okay lang basta mapakain lang nya mga tropa nya. Tapos sakin lahat ng gastos. Minsan wala na kami bigas, sge pa din. Di nya kami iniisip. Mas iniisip nya yung ibang tao kaysa samin ng anak nya. sabagay never naman nya pinaramdam sakin na importante kami ni baby, eversince since first check up never nya ako sinamahan. 🥺 Minsan pag wala kaming ulam, pinapagalitan nya ako. E wala naman ako trabaho, sa pinatayo ng magulang ko na tindahan lang samin ako kumukuha. Pero di ko naman mahawakan yung pera. Sya lahat humahawak, pag humihingi ako o nanghihiram, nagagalit. Pero pag tropa nya, pag inom ng alak Gastos pa nya e. Sa ngayon, parents ko pa nagbibigay ng bigas, panggastos at ulam namin e. Hiyang hiya na ako sa magulang ko 🥺😔 Hayssss.