26 Các câu trả lời

Na experience ko sya, tapos sabi kasi daw naglalagay ng mga towel sa crib sinasampayannng cloth or lampin, wala naman syang scientifically explanation and di rin sure kung totoo. I think normal lang naman wipe lang ng clean cotton tapos medyo basa ng konti tapos tanggalin lang, mawawala rin eventually.

Ganyan po nangyari sa baby ko.. lagi lang po linisin ng cotton idip sa warm water.. then pag tulog po si baby ihot compress niyo not too hot. Pwede rin po yung cotton ulit na na na idip sa warm water.. tapos drops po. Ngayon magaling na mata ng baby ko, sipagan lang po linisin lagi kapag may muta..

Ganyan din baby ko dati.. di pa kase mature yung tear duct nila yung daluyan ng luha kaya advice sa nabasa ko punasan ng basang bulak from inner to outer ang pagpunas para di magbara sa tear duct.. tpos press nyo sa may bridge ng ilong ng sakto lang..

Hi. Naka experience ng ganyan si baby ko. Sabi ng pedia niya normal lang yan, linisan lang ng basang clean cloth from inner to outer. Then e massage lang ang part sa ilalim ng mata sa may nose banda. Nawala lang din yun sa baby ko agad.

ganyan din baby ko mas madami pa dyan😂.... breastmilk lang pinanlinis namin nilagay sa cotton tapos dahan dahan pinupinas sa mata lalo na pag sobrang haba ng tulog ng baby si n maidilat mata... so far 1 week lang hindi n nagmuta baby ko

Mommy, ung baby ko kahit anong paArAw ko dilaw padin nag pa check up ako un pala hnd dw kmi compatable ng dugo ni mr cya B+ ako O tapos si baby B — pina admit kami and mataas ung billorubin ni baby tapos nilagay si baby sa phototherapy ung mainit.

Momsh ok naba ngaun c baby mo?

Normal Lang Yan momsh , nag ka Ganyan LO ko . Bsta every time na nag gaganyan Mata niya nililinisan ko Ng bulak na may malinis na tubig tapos inner to outer Lang .. Pahid Lang wag masyadong madiin ..

Thank you po sa mga sagot mga momsh. Try ko po yung breastmilk ko. Sabi din ng mama ko yun. Pinacheck up ko sya nung isang araw, sabi naman ng pedia basta wag lang daw malala. God bless you all po. 🥰

My baby had that before 1 week pa lng sya from birth dn ang sabi ng kapatid ko patakan ko raw ng breastmilk palagi so ayun ginawa ko and nawala rin sya after a few days

Ganyan din ung baby ko dati mawawala din Yan kc sabi ng pedia nya mga secretions daw nung pinanganak ko xa..tpos pinatakan ko din ng breastmilk ko

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan