TO ALL CS MOMS 🖤

Hello, momsh. It's been exactly 8 days na po since nanganak ako, at first time kong ma-cs. Kaya sobrang clueless ko minsan what to do. Lahat naman ng instruction saken, sinunod ko. Like: pinilit ko nang maglakad, magpupu, tumagilid, etc. At wag i-baby ang tahi (pero syempre with precaution pa din). Lahat ng antibiotic na nireseta, ininom ko naman. So kanina, follow up check up ko with my OB, and she advised me na pwede na daw akong maligo without using tegaderm at pwede na rin daw na wag nang mag binder. Kumbaga, leave it open para mas mabilis daw ang recovery ng tahi ko. Bukod diyan, she told me to apply this ointment thrice a day. So syempre, may mga factors na iba sa madalas kong naririnig from my cs mom-friends. Kaya kahit I trust my OB, may takot ako especially the thing about tegaderm at sa binder. Anyone here na similar situation like mine? Can you share some insights or advise please? #advicepls #cesarian #CsDelivery

TO ALL CS MOMS 🖤
1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Super Mom

CS mom here. Yes, super hirap po talaga mommy ma CS like you need to pee, poop, fart and makapaglakad lakad bago idischarge. True, yan din po sabi ni OB ko na wag ibaby ang tahi. 😊 Bumalik din po ako sa OB ko after a week for check up and tuyo na rin naman tahi ko nun kaya pinabasa na rin sakin ni OB. I was also using Tegaderm before. Yun nga lang walang niresetang ganyan na ointment si OB ko before. Pero never naman nagkaproblem sa tahi ko momsh. Yung sa binder, 1 week ko lang ginamit yung binder na provided sa hospital. Di kasi sya comfortable, ang init at makati. Ginamit ko yung binder na gift sakin ng sister ko from Dubai and 6 months ko sya sinuot. Need ko kasi talaga mag binder dahil ako lang talaga mag isa nag aalaga kay baby at wala akong kapalitan kaya para makagalaw galaw ng maayos. Tinagalan ko ang pagamit ng binder kasi medyo mahirap pag walang binder feeling ko malalaglag laman ng tyan ko momsh. 😂 Lagi pa naman ako akyat baba sa hagdan. Hoping for your fast recovery mommy. 💕

Đọc thêm
4y trước

Hi momsh! Pwede malaman or makita what kind of binder yung gamit mo now? I wanna get rid of this binder na din kasi, kasi very true yang makati siya hahaha.