Rashes sa newborn
Hello momsh ano po kaya pwedeng gawin dito. Nakakaawa po si baby dami nya nyan pati sa face#advicepls #pleasehelp #1stimemom
hi mommy! ganyan din baby ko. milk rash po sya. gamitin mo CETAPHIL. then pulbo after ligo to keep it dry .. cetaphil prescribed ng pedia ni baby. human nature baby powder gamit ko. nawawala sya.. pero pag nadampian nanaman ng milk ko while breast feeding, or pag nag lungad or sumuka nag rarash nanaman.. continue lang gamit. 🤝
Đọc thêmGanyan din po 2nd baby ko nung mga 1st month nya mommy saka nag dry skin po kasi si baby, kaya inadvice saken ng pedia po namin na change ng soap ni baby baka kasi di sya hiyang and pinagamit din kami ng physiogel and lotion. Pricey lang talaga mommy pero effective po sa baby ko.
Normal lang po ang newborn rashes. Mawawala din po sya eventually. Use mild soap (Lactacyd blue / Cetaphil) Sa case ni baby Cetaphil gentle cleanser ang pinagamit nya. Iwasan nyo pong magpahid ng kung ano ano para di rin mag aggravate yung skin condition.
Ang dami kc pwedeng cause, pwedeng matapang un laundry soap, or from her sweat, much better wala muna syang mga powder or lotion or cologne and make sure na hnd mabababad pawis nya. Cream nlng muna kasi baka mahapdi and itchy yan kawawa naman sya
Ganyan din sa baby ko pati katawan nagkaroon buti nawala pasalamat ako dun sa nagsabi sakin sa isang cream very effective kahit medyo mahal. 2days and 1night ko lang pinahid nawala na sya. Sa gatas kasi yan momsh na natatapon e.
ganyan panganay ko dati momsh, pinagamit ako ng physiogel ai cream/lotion ni pedia. nawala naman sya. pricey nga lang pero since maliit lang si baby, matagal naman magagamit. 🙂 sana makatulong.
normal lang naman daw yan mamsh..kusa mawawala.. pero lagi mo din punasan ng bulak na may distilled water. ganyan ginagawa ko kay baby .sa breast milk minsan. tapos my nirecommend si pedia na sabon. tedibar
mommy pdng dahil sa milk yan pg nagpadede ho kayo always put lampin sa my leeg niya para di malagyan ng milk.kasi minsan natulo tas napunta sa leeg.wag din hayaan matuyo yong pawis.
its better po pag may time kayo ipa check nyo na lang c baby para malaman ang dahilan ng rashes. wag na muna gamitin ang sabon na ginagamit sa kanya baka ito po ang dahilan.
daily bath with gentle soap and make sure na dry lagi yung leeg ni baby from pawis and tulo ng gatas..maganda rin ang Elica for baby rash medjo pricey pero recommended. 😊
Mother of 1 active princess