breast feeding

Hi momsh! It's me again and again ahaha. Tanong ko lang kung may unhealthy and healthy ba na gatas ng ina? Hindi ba lahat aman ng gatas na nang gagaling sa ina ay healthy kahit pa ano life style ni mommy before for as long as may lumalabas nmn na gatas sa knya at pinapa dede nya un kay LO dba healthy pa din nmn yun? Yung baby ko kase 1 month na today and kahapon ung byenan kong babae gusto i formula ung anak ko. Ampayat daw kase. Bak daw mabansot si baby. Pati mga tita ng LIP ko gusto i mix ko daw. Eh ako nmn ayoko kase mas healthy para sakin kung purong breast milk sya. Mas nakaka tibay ng katawan buto etc etc. Tapoa gusto pa nila i vitamins ko na agad as early as 1 month. (Actually ilang days pa nga lang sya gusto na nila i vitamins ko) Hindi ba masyadong maaga pa painumin ng kung ano ano amg sanggol since hindi nmn natural ang mga vitamins na pambaby? I mean yes may balak nmn ako i vitamins peeo wag nmn sobrang aga. Iniisp ko nga mga 3 or 6 mos ba bago ko i vitamins. Masyadong naliliitan sa baby ko eh sabe nmn ng iba masyadong malaki ung baby ko sa 1 month tas mahaba pa. Yung mga nakakakita nito pag tinatanong kung ilang month naba si baby ko sinassbe ko wala pang 1 month tas magulat sila kas malaki daw baby ko. Kaya panong ssabhin na mababansot. At ang mas nakakainis pa itong lip ko gusto din sundin ung sinaßbe ng nanay at tita nya baka daw mabansot. Nakakainis!! Nagmamarunong sila hindi nmn sila ang nanay. Prang gusto nakong palitan sa pagiging ina ko. Hayss

breast feeding
46 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hindi need ni baby ng vitamins as long as breastfeed as per pedia. Hayaan mo sila wag mong pansinin sis. Bingi bingihan ka lang. Mas maganda kung wala munang iintake c baby na hnd natural until 6 months

Your child, your rule momsh. Masyado pa maaga para mag vitamins si baby. Tsaka nababansot? Nasa lahi kaya yun. Lahi ba nila bansot? Lol. Anyway, continue breastfeed mo lang si baby mo, mas healthy yun 💕

5y trước

Yun nga mommy eh.. korek ka dyan.. pano mababansot ang baby namin eh ang laking tao ng lip ko. Ako oo aminadong maliit. 4'11 lng ako pero ung anak ko mahaba. Nung after ko manganak at dinala ako sa ward ung mga kapwa ko bagong panganak nag kukumpara sa anak nila kase ung sa knila normal lang ung laki tas sakin mahaba. Mukhang more than 1 month na daw sya tingnan pero wla pa kami 1 week don sa ospital.. Kaya nga ako na CS kase malaki sya tas ssabhin maliit daw tingnan. Prang hindi lumalaki eh 1 month pa lang nmn. Saka tungkol sa vitamins parang ayoko syang sanayin na dumipende sa mga gamot gamot. Buti king natural yan eh gawa lang din ng tao yan. Masyadong maaga para ipasok ko sa mahinang katawan ng baby. Saka bf nmn sya so sure nmn ako na protected sya kht wla pang vitamins

Thành viên VIP

Cont. mo lang pag breastfeed po. Mas ok yan kesa sa formula milk or mixed. Wag mo din painumin muna ng vitamins. Hindi naman talaga kailangan ng bata unless nalang kapag pedia na mismo nagsabi.

Breastfeed pa rin Sis. Hayaan mo sila. Ikaw nanay ikaw masusunod. Ako nagwowork na pero BF pa rin si Baby. Tyagaan lang. At para lalong healthy syempre healthy din kainin :)

Your child your rule. Ikaw momsh nagdala jan ng 9 months kaya ikaw masusunod. Alam mo ang best for your child and that's your breastmilk. Wala po makakatalo sa gatas ng ina.

Thành viên VIP

Baby ko 1 month, saka lang tumaba. Exclusive breastfeed sya. Mamsh antay antay lang tataba din baby mo. Wag mo iformula kase mas maganda padin ang gatas ng ina

Pag exclusive breastfeeding no need ang vitamins pwera na lng talga kapag need ng bata kunwari kulang sa iron or other defiency saka lng reresetahan ng vitamins..

5y trước

Ayuncnga din ang naiisip ko momsh since pure bf to.. at hanggat maari ayoko haluan ng kht anong formula.

Ito po yun, sabi sa speaker sa breastfeeding class mas maganda talaga breastfeed ang bata pati natin kay mommy😉 and makaka save pa kayu ng pera👌

Post reply image

Yan ung mga babies ng friends ko. Ung nasa gitna 3 mos yung naka dilaw 6 mos na. Ung sakin 1 month pa lang. Nababansutan na ung kamag anak ng asawa ko

Post reply image

Mas healthy ang breast milk mamsh .. wag mo silang pakinggan,. Basta magparami ka lang ng gatas mo para Marami rin supply si Bibi ..