29 Các câu trả lời
Yung todler ko na 3years old, tinuruan ko kung pano iseperate yung malinis na damit sa labahan na damit since 2 years old sya yun na tinuturo ko sa kanya until now pag maliligo na sya marunong na sya kung san nya ilalagay yung hinubad nyang damit. Marunong den sya maging responsable sa mga kalat nya lalo na pag kumakain na mga snacks nya alam nya san ilalagay yung basura. Di rin sya mahilig mangeelam ng mga gamit na alam nyang hindi laruan
My child learned how to pack away her toys as early as 2 and she sorts by its category :D now she’s 6, i am teaching her how to cook simple food like pancake, scrambled egg with minimal assistance for preparing but in cooking, fully assist ako :D she knows how to mop and sweep the floor on her own kasi nakikita nya sa akin and i am glad she keeps thriving ♥️
For me, siguro ang pagliligpit ng toys and iba pang gamit nila. Yun kasi ang pinaka madaling ituro sa mga toddlers lalo every after nila mag play. I believe kapag marunong na sila mag obey sa ganiyang mga utos natin at early age, hindi tayo mahihirapan utusan sila sa mga gawaing bahay paglaki nila 😊
Ang una kong tinuro sa anak ko ay ang pagliligpit ng mga toys nila. If you have toddlers and above for sure everyday makalat. kaya yun ang una kong tinuro sa kanila. para meron ako katuwang sa pagliligpit ng kalat everyday
Hi Moms! Day 1 Week 4 Unang household chore na gusto ko ituro sa kanya ay mag-ayos ng pinaghigaan kasama na rin ang kanyang mga laruan. First and foremost, upon waking up, thank God for another day ✨💯
It depends po sa kung anong age nya na but ako una kong ituturo ang pagaayos ng pinaghigaan gusto ko kasi na dun sa magsisimula hindi yung pagkagising itatambak lang mga pinag gamitan.
ligpit ng laruan.ligpit ng higaan tapos yung balat ng pinagkainan like candy or biscuit itapon ng maayos sa basurahan ❤️
pagliligpit ng higaan.. depende pa din sa age nya kung ano unang una kong ipapagawa sa kanya na gawaing bahay
siguro ang pagliligpit ng toys at gamit nya 🤩❤️ excited to be there. I have a 1 year old babyboy
Magligpit ng higaan. Aayusin lang nila yung mga unan sa gilid at pagsalansanin.