11 Các câu trả lời

ganyan din po sa akin. normal naman siya kasi nga sa hormones siya eh, pero ako nabobother ako sa maitim na singit. reason ng pangingitim ay nagmula sa heat rashes ko sa singit. I tried an ointment na nirecommend sa akin para malessen lng yung pangangati. tapos I used a sensitive skin bar soap na pwede sa pregnant like dove na green(any sensitive skin soap will do, hindi dapat yung pampaputi kasi mangingitim lalo and hindi siya safe for pregnant, kung afford mo cetaphil go. pero ask your doctor din kung ano ang recommended for sensitive skin na pwede sa pregnant saka mga dapat iwasan na soap). may dark marks pa din ako sa singit pero hindi na siya ganon kalala. make sure din na i wipe mo ng maayos yung mga singit at kilikili mo kasi usually yung pawis or moisture ang nagcacause ng pagkaitim. di mo kelangan masyadong magpahid ng kung anu ano na pampaputi, need mo lng ibawi sa hilod at soap na good for sensitive skin. idamay mo na din batok mo sa paghihilod kasi di namamalayan pati batok ay nangingitim na din. pero normal yon.

It’s because of the hormones. Kahit anong lagay mong pampaputi, balewala din yan. And besides, bawal ang pampaputi sa buntis, too harsh ang chemicals nyan. Anatyin mo na lang makalabas si baby, kusa din yan babalik sa dati.

VIP Member

Wala po, hayaan nyo lang po baka pag mas may nilagay pa kayo mii mas lalo lumala pag iitim nya, kasama po talaga yan mommy sa pagbubuntis, after nalang po manganak tsaka nalang po bumawi sa sarili. Ingat po :)

Ganyan din ako sa first pregnancy ko mi, wala naman akong ginawang pamahid kase Hormones po yan eh. Unbothered lang talaga ako kase normal lang naman ang ganyang changes hehe

TapFluencer

normal Yan sis. sakin Ang ginawa ko kesa mainsecure inieenjoy ko lang Kasi Ang importante sakin yung blessings sa tiyan ko, babalik Naman lahat sa Dati once makarecover na Tayo sa panganganak

bawal po mga whitening products habang buntis. tiisin nalang po muna ang mahalaga maging safe si baby. saka nalang magpaputi after manganak. mawawala naman po yan after manganak

wala ka magagawa dyan mi ako nanganak na sa bunso ko 8months postpartum maitim pa din ng slight kili kili at singit unti unti naman siyang nag brighten

dahil po sa hormones yan mhie kaya kahit anong pahid mo po jan hindi sya mawawala. wait ka nalang po pag nakapanganak ka na.

VIP Member

Same tas ang dami kong skin tags sa leeg. Wala akong ginagamit babawi nalang after manganak. Kung ano ang safe sa nag papa bf

ngayon ko lang din napansin dumami skin tags ko sa leeg at sa ilalim ng dibdib

part ng hormonal change. babalik din naman eventually kahit walang ginawa.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan