89 Các câu trả lời
Mga mabubuting asal na dapat ituro sa ating mga anak ay ang pangungupo at ang pagmamano sa mga nakatatanda sa kanila , magkaroon ng takot sa diyos , at turuan silang sumunod sa mga utos ng kanilang magulang ..
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-37828)
Ako lagi kong sinasabi sa mga pamangkin ko dati Dapat lagi silang may taglay na apat na M. Maging magalang, masunurin, mabait, at higit sa lahat may takot sa dios. At ito din ang sasabihin ko sa aking anak.
Panatilihin mong malapit sa Dios. Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan. Kawikaan 22:6 Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)
pagmamahal sa pamilya lalong lalo na sa mga magulang, pagkakaroon ng takot sa Diyos, pagiging magalang sa lahat ng pagkakataon at paglaban sa kung ano ang tama at nakabubuti.
Maganda maituro natin na magkaroon sya ng takot at pagmamahal sa Diyos. Susunod na dun ang pagiging masunurin nya sa magulang at nakakatanda sa kanya. Matuto na mag mano at mag Po an Opo.
Dapat na ituro ang pagiging magalang sa lahat ng nakakatanda, maging mabait at masunurin na bata. Magkaroon ng pagmamahal sa kapwa at manalig sa Diyos sa lahat ng oras.
Pag gamit ng po at opo, pgdarasal ng pasasalamat sa diyos, pagiging mabait sa kapwa, masunorin sa magulang sa tamang pamamaraan at pagiging marespeto't magalang sa pananalita.
They should know how to respect regardless kung mayaman o mahirap. They should also know how to pray and obey their parents. Un lang ituro mo then everything else will follow
Magkaroon ng takot sa Diyos at gabi-gabing pagdarasal. Pag-galang sa mga matatanda sa pamamagitan ng pagmamano at pagsasabi ng po at opo. Wag maging bully. Mamuhay ng simple.