Hi mommys, so nanganak ako recently and gusto ng family ko na last name ko kunin ni baby kasi di naman kami kasal ni LIP ko and since di boto ang papa ko sa partner ko. Wala kaming magawa since umaasa lang kami sa family ko kasi walang trabaho si LIP and ako naman pina stop ng work kasi naging complicated yung pregnancy ko, babalik na ako work kaso sa company pa din ng papa ko kaya wala talaga kami magawa kundi sundin gusto nya. Yung tanong ko is if kunin ni baby last name ko tapos dumating sa time na magpapakasal na kami ng LIP ko, pwede ba machange din last name ni baby? Para parehas na kami tatlo? alam ko mas madali if sa simula palang kunin na ni baby yung apelydo ng papa nya kaso mag sstop ng pag support papa ko if ever, and wala talaga work si LIP, ako naman nag sstart na mag work kaso nahihirapan pa din since sobrang recent ko lang nanganak and complicated pa naging pregnancy ko.