29 Các câu trả lời
nawala unang baby q due to pre eclamsia.. 7 months ko sia naisilang ngunit wala na siang buhay. akala ko ok lang ako nuon dahil wala naman akong nararamdamang sakit sa katawan . umabot ng 160/140 bp ko. at the hospital pinapalipat nila ako sa mas mataas na hospital kung saan mas makakaya nilang mag cs. cs na sana ako nuon pero natakot ako dahil wala kameng ganong sapat na money para sa operation. nag 2nd option ako sa o.b. bi ni-p nia ako and nag normal yung bp ko. d ko alam kung nag kamali lang ba yung secretary nia o talagang bumaba lang talaga b.p ko. kaya recommend nia sa akin na mag ingat nalang ng doble. basta nakakaya pang bumaba bp ko. then after a day and a day. may naramdaman akong pananakit ng puson ko na para bang dadatnan ako. 1st time kong maramdaman iyon mula nung nag buntis ako. sign na pala iyon na manganganak na ako. ngunit wala sa isipan ko iyon dahil feb 2 2020 palang due date ko at dec.23 2019 ng gabi q iyon naramdaman.. hanggang sa sunod sunod na ang pananakit ng puson na hanggang sa pumutok na panubigan ko. dun ko lang napag tanto na manganganak na ako in 7 months.. nagpadala na ako sa hospital kung saan malapit sa amin.. buong akala ko ok pa c baby. sakit na may kahalong saya fellings ko dahil mailalabas ko na panganay namin. ngunit nag kamali ako ng nailuwal ko na c baby wala na itong buhay dec. 24 2019 😭. because of pre eclamsia nawala ko panganay namen 😭. baby boy siya at napaka gwapo. ka wangis niya ang papa niya..masakit mang tanggapin pero kaylangan para sa aming mag asawa. Ngayon i'm 6 months pregnant ulit ☺️. and i pray n maging healthy na ako sa pangalawang pag bubuntis ko. lagi akong nag se search ng mga pag kain na makakasama sa kalusugan ko para maiwasan ko ang pre eclamsia. please pray 🙏 for me and sa baby ko inside my tummy ☺️..
Nakakalungkot kc wala daw cure ang preeclampsia kundi delivery agad once it spikes.but somehow if you are aware of the symptoms it is really big help.i was diagnosed with mild preeclampsia on my 28weeks fthat lead to preterm labor pero naagapan ng ob.kaya lang nag spike up at 33weeks 167/110 nearly placenta abruption kahit naka maintenance ako ng aspirin at methyldopa once a day. Hindi ko alam kung my possibilities na bumaba sana ang dugo ko kung nadagdagan ng dosage yung BP med. Pero ayoko manisi kc closed monitored naman ako ni ob. Monitored ko din ang ang bp ko 130/90 sabi ni ob ok na sya sa ganyan na bp ko.wag lang lumagpas pa. But everything happens for a reason. 33weeks expected age ni baby via lmp and utz pero paglabas nya behind sya sabi ng ob dahil daw sa preeclampsia ko.W/c is ang lakas ng impact sa breathing at heart nya kahit naturukan ako ng 4shots steroid bago ako na ECS. PreE is very tricky yung mga symptoms nya minsan symptoms lang din ng normal pregnancy. It can come slowly or quickly kaya mapalad yung mga nanay na fullterm na nung nagspike ang bp.I pray a healthy pregnancy to those moms who had suffered preE and lost their baby. I pray also to those moms who are suffering preE while pregnant and those moms who had develop PP PreE after delivery may God healings hands touch you.
Thank u mommy ayie i really appreciate it
pre eclampsia-induced labor- emergency cs check up lang dapat at 37weeks and 6days pero upon checking ngbp 160/110... reffered to ER... Pinainom ng catapress pero nag 140/100 lang wala akong nararamdaman kahit ano perp ganon na pala kataas ang bp ko.. from hanggang mag 8mos normal ang bp ko.. pero nung kabuwanan ko na at 35weeks nagsimula mag 140/90 bp ko.. kinausap ako ng OB ko to ready myself. i induced labor para makalabas nasi baby dahil delikado sa buntis ang highblood pwede syang magkaron ng madaming komplikasyon like lalapot ung dugo nya etc. kung magnormalize ang bp ko bago maglabor itatry namin inormal si baby pero kung consistent mataas bp ko cs na ko... pray ako ng pray 🙏 kinabukasan nag normalize ang bp ko nagsimula nadin ako maglabor.. open na cervix nag fullydilated pero si baby naman hnd nakisama ayaw nya bumaba kahit anong push ko ayaw nya ... nagdecide nako magpacs dahil napapagod nako. at iniisip ko si baby .. baka mapano sya kasi nag150/100 ulit ang bp ko. hayyy very unforgettable experience first time mom.. 6days confinement dahil under monitoring padin bp ko... Thanks to God. Ok si baby at ako nakarecover na 3months na kami #highRisk
wala ka tlg maramdaman nun kc lht ng dpt mo maramdaman si bby ang nkkaramdam nun much better na r check mo bp mo 2x a week dapat
sobrang swerte ko pala😞nalulungkot po ako para sa mga nanay na nawalan ng anak due preeclampcia na full term ko baby ko kahit highblood ako sobra pa nga 40weeks sya ng nailabas ko nito lang september 23 at laking pasasalamat sa Diyos kasi naglilabor ako 130/90 bp ko at praise to God nanormal ko sya sobrang galing ng ob ko kahit nung una nag hesitate ako sundin sya dahil 2 tablets ng methyldopa every 6hours ang take ko ng gamot tapos 2 aspirin simula ng 3 months pa lang ang tyan ko naisip ko n maapektuhan ang baby sa loob pero sumunod n din ako buong pagbubuntis ko stress at takot ako pero awa ng Diyos ito na nakaraos na ako ipagdadasal ko po lahat ng mga mommies n same situation ko kaya nyo yan walang imposible sa Diyos manalig lang po kayo🙏😇😇😇
Hi sis I’m currently taking methyldopa and aspirin din. Going 5 months na ako. Medyo nag iisip ako sa side effects sa baby after giving birth.
Dko expect na ma c cs aq, 39 weeks weekly check up q nun, yung dating normal q na bp na 110/70 bglang taas 150/100 hamgang sa nag 200/100,natakot aq syempre kasi cs wla kami budget ni hubby, Pero yu g sign ng preeclampsia symptoms nakikita sakin, sumakit ulo q for 3 nights naiyak na aq sa sakit, tpos namamnhid kamay q pati mukha q, kala nila manas pero pakitmramdam q iba Buti nlang magaling yung doctor kasi nag suggest pa aq nun na I induce labor aq kasi nga wla budget, kasu nag insists si doc na d pwd, vka atakihin na aq ng clampsia, 12 midnight pinasuk na aq agad sa operating room 12:40 my baby girl is out 😊 3 am kakalabas q lang sa operating room Thank u kaya god kasi dnya kmipina bayaan Kaya kayu kung may nararamdaman kakaiba Mas sab kayu sa ob or doctor for your safety 😊😊😊
Congrats po
I gave birth last Dec.2020 at 39 weeks and 6 days via CS delivery. malapit na ako sa due date ko pero di p rin ako naglelabor. A week before I gave birth 3cm n ako. Binigyan ako ng primrose na itetake at pagbalik ko nga at 39 weeks 6 days 3cm pa din.. tapos tumaas bp ko 160/110 kaya di n ako pinauwi. Never tumaas bp ko sa entire pregnancy kk kaya nagulat talaga ako. binigyan din ako ng mga gamot pampababa ng bp kaso di talaga bumababa bp sinabihan n ako ng mga OB na ma-ccs na ako dahil delikado na for me and baby. Iniyakan ko pa yun nung nalaman ko na ma-ccs ako kasi okay naman pregnancy ko. normal lahat ng labs then all of a sudden tumaas bp ko. Pero tinanggap ko na din, mahalaga naging okay kami ni baby. 😊 mag-3 months na sya ngayon 😊
bkit daw po tumaas bp nyo?
I had pre-eclampsia too. I gave birth last April 13, 2020. My BP always ranges from 110/70-120/80. But during that time, it never went down to 140/110 and it went high to 170/110 so my OB decided to do emergency CS. Good thing narin kasi upon operation, nakabuhol ang umbilical cord ko sa leeg ni baby ng three times and nakapupu narin sya sa tyan ko. Its just that sa part ng upper torso ni baby, clear pa at wala pang pupu. During that time, almost lahat ng nanganak dun ay emergency CS due to pre-eclampsia.
mamsh pag mga 110/90 po oh kaya 110/80 ? okay papo kaya ung ganon ?
During labor ko nung July 23, 2020 nagspike to 220/170 yung BP ko. Inadvise ako ng OB na CS na kami since risky na daw both samin ni baby.. Hindi ko na masyado maintindihan that time yung sinasabi nya pero narinig ko yung pre eclampsia. Binigyan ako ng magnesium para bumaba daw BP before ako dalhin sa OR. Super sakit non 😭 pag naaalala ko yung mga nangyari sa loob ng DR/OR naiiyak pa din ako minsan. Pero super worth it nung nahawakan and nakita ko na si baby
Sobra ngang init non.. Badtrip pa yung nag iinject sakin kasi sinasabay pa sa contractions ko yung inject nya.. Sabi ko pause muna nya pag may contractions kasi para na kong magpass out sa pain 😅
ako naman laging mababa bp ko kaya advice sakin ng ob lagi kumain ng gulay na pampadagdag dugo pero every time pagbumabalik ako sa clinic ganun pa din mababa bp ko hanggang sa malapit na ako manganak mababa pa din bp ko at kinakabahan na ako baka di ko makayanan manganak ng normal dasal lng talaga ako ng dasal by God's grace na ok na ang lahat pinanganak ko si baby 38weeks and 4days normal lahat at walang naging komplikasyon. 6mos old na si baby now
ah talaga po ba. di ko maalala kung gaano sya kababa
My OB is not so happy with 130/90 bp on my 1st visit at 9 weeks. Since then I've been taking Methyldopa. I'm on my 16th week now and BP is looking good at 120/80. Sometimes it still gets to 130/100 esp when it's my pre natal check up. I'm kinda scared of what my bp will be so that probably affects the higher BP when I'm in her clinic. Still scared that I might be on ECS cause I had normal delivery with my 1st two pregnancies. Heard it's a lot more painful that being on labor. 😥
yes!!! prayers po talaga... but I have set my mind na din for CS. thanks mommies. stay safe 🙏
Atheena Amaya Monica Abecilla-Orpilla