share kolang diko na talaga kaya?

Hi mommy share kolang kase ang sakit na ?? si live in partner kase nananakit kahit dipa ako buntis. Kagabi sinuntok nya yung hita ko kase ayaw ko syang hilutin madalas akong magkapasa dahil sa kanya tas ayaw nya akong pauwiin samen pag may pasa ako or may makikita pamilya kong sugat dahil sa kanya. Kanina nag away kame sinampal nya bunganga ko tas umalis sya nag inom kasama mga katrabaho nya. Pag uwi nya lasing nag away kame sinaktan nya ako binatukan sinabihan ng palamunin nya lang daw ako tas hinampas sa likod para di sya nakukunsensya na makunan ako ! Nung nakaraan tinampal nya ako sa bunganga nagdugo yung bunganga ko pero parang wala lang sa kanya pag sinasabi kong mag hiwalay na kame ayaw nya. Pagsinasabi ko na magsusumbong ako sa pamilya ko sasabhin nya wala naman syang ginagawa saken. Mahilig talaga syang manakit syempre napapaganti din ako pero pag sobra na pananakit nya saken iiyak na lang ako tas sasabhin nya iniiskandalo ko daw sya sinisira ko buhay nya? minsan kinukumpara nya ako sa mga ex nya? ang panget ko daw ang payat muka daw akong butete? sinasabihan nya din akong pokpok kase ganon nya daw ako nakilala?dati kinutongan nya ako nagkabukol ulo ko ? madalas nya din akong tinutulak?minsan natatakot nadin ako baka duguin ako sa sobrang pananakit nya?wala syang binibigay saken pampacheckup sinasabi nya saken humingi ako sa pamilya ko?hanggang ngayon wala padin syang ipon para sa anak nya miske piso wala. Like ngayon kailangan ko magpapelvic ultrasound ayaw nya ako samahan sa hospital wala daw syang alam don ginastos nya din yung perang bigay ng ate ko para sa pangultrasound ko .????? 6 months preggy here?

219 Các câu trả lời

nku mamshie...layasan mo yang hudas na yan walang kwenta yang ganyang lalake hindi yan tao...alam na nyang buntis ka sasaktan ka! abay sira ulo...wag mo na hintyin malagay kyo sa panganib lalo na ang baby mo hangat maaga pa lumyas kna sa poder nyang damuho na yan...hindi kawalan yung ganyang lalake...isipin mo ang anak mo...pra sa kaligtasan nya..wag mo ng hintyin na may mangyaring di maganda bago mo realize na hindi ka dapat mag tiis sa piling ng impakto na yan...nkakagigil 😠😡😤

Pls.. wag mo ng pahirapan sarili mo, lumayas ka na dyan at sana naman nag take ka ng pictures sa mga pasa mo para may ebidinsya kang pinagmamalupitan ka.. kung mahal mo sya at di mo sya kayang iwan, pwes isipin mo naman baby mo, kasi sa kwento mo wala naman syang paki sa baby mo kung malaglag pa yan.. sis, umalis ka na dyan at wag na wag kang magpapadala sa mga sasabihin nya kung sakaling hanapin ka nya at pauwiin.. maawa ka sa baby mo, you both don't deserve such a situation..

Naku sis. Mas mabuting hiwalayan mo na cia wala ciang plano para sa inyo. Nanakit pa cia pwede mo cia ipakulong kumuha ka lang ng evidence mo. Kasi para sayo din yan at sa baby mo. Mahirap ung puro sumbat cia sau na palamunin. Unang una inasawa ka nia tapos gaganunin ka lang nia. Masakit sating mga babae ang nasasaktan emotional at physical. Makipaghiwalay ka na lang muna saknya hanggat wala ciang pagbabago. Maaring hindi cia para sau. Marami kapang mahahanap na higit saknya.

Alam mo na pala gngwa sayo eg anong gngwa mo? Mahal mo sya kesa z anak mo kc anjan kpa din? Kaw lang makakapag decide nya kng masaya ka na binubugbog ka at gnyan trato syo edi mag stay ka, kng nagrereklamo ka at nasasaktan kna at alam mo mali at kng mahal mo anak mo lumayas kna jan! Ano bang gngwa mo hndi na yan magbabago wag kna umasa isave mo anak mo at ikaw.ung love?mawawala din yan lilipas din yan bsta mag move kna bka pag silang ng anak pati bata bugbugin nya

VIP Member

ipa blotter mo sa baranggay, wag mo nang antayin na may mamatay sa inyo ng batang dinadala mo. matuto ka mag isip para sa sarili mo kung gusto mo talaga iwan at hiwalayan gawin mo di yung sinasabi mo pa sa kaniya para ano pigilan kaniya edi joke2 ka lang...kasi pag gusto gagawa agad paraan pag ayaw magpapapigil ka pa. kita naman sa mga sinabi mo jusmee kung ako sayo isang pananakit lang ginawa niya bugbog sarado siya sakin loko ba siya jusko ha. lalo buntis ka...

Sis iwan mo na yan, trauma aabutin mo sa ganyan. Sa tingin mo ba worth it ulba ung pagtitiis mo sa pananakit nya sayo? Nagkaron din ako bf na nanakit physically before pero natauhan ako at nagkaron na lakas ng loob humiwalay kasi I don’t deserve to be treated that way. You deserve so much more, you deserve to be loved and cared and cherish lalo na ngaun na buntis ka. Kaya mo yan wag ka magtiis sa ganyan baka mamaya pag nagtagal hindi lang ganyan gawin nya ihh.

Iwan mo nlng xa mamsh. Makakaya mo nman n Wala xa s buhay mo.bt mo po hinayaan na saktan ka po nya dati pa? Tayong mga babae ay Hindi punching bag, we deserve to respect and to love. Iwan mna po xa at pa sustentuhan nyo nlng c baby. Wag nyo na po Bigyan ng chance ang live in nyo na makita ng baby mo na sinasaktan ka. Pnta ka nlng po s women’s desk s dswd. Loko2 na lalaki Yan. Buti pa po May chance kapa maka alis Sa impyernong yan. Mamsh uwi kna bhay nyo

Kung dimo magawan ng paraan ung pakikipaghiwalay mo skanya takasan mo nlang sya. Bawat bugbog at pasa na nakukuha mo sakanya picturan mo at isave mo na kung sn na ikaw lang makka alam darating kayo sa puntong may magrreklamo na atleast ikaw may ebidensya pero payo lang umalis kana sakanya wala naman plang naitutulong sayo yan sa parents mo parin pla naghhingi ng checkup edi umuwi kana at tumakas pag tyempong wala sya. Wag kang matakot may pamilya ka

After he hits you, go to the nearest PNP women's desk and report his abuses. Have yourself checked in the hospital so taht you can secure a medical certificate. You can also go to a psychiatrist for assessment of your mental condition as a result of his abuses. You can definitely file physical and psychological abuse embodied in RA 9262. It will definitely be jail time for your partner! Value yourself and your future baby.

You can always go to the nearest Public attorney's office for advice or legal enlightment😊

D po sya deserve na maging ama ng magiging anak nyo. Wag k ng magpakamartir s knya iwanan mo na po sya. Magsumbong ka sa mga magulang mo pr magawan po ng aksyon yan. Wla pong pagmamahal n ganyan kahit anu pang dhilan nya d dapat sya nanakit ng babae. Asawa ko kahit isang tapik d ako nkakatikim kasi, sbi ko sa knya isang kamay lang nya dumapo s mukha ko iiwan ko na sya. Wag ka po pumayag na ginaganyan ka po.

Câu hỏi phổ biến