share kolang diko na talaga kaya?

Hi mommy share kolang kase ang sakit na ?? si live in partner kase nananakit kahit dipa ako buntis. Kagabi sinuntok nya yung hita ko kase ayaw ko syang hilutin madalas akong magkapasa dahil sa kanya tas ayaw nya akong pauwiin samen pag may pasa ako or may makikita pamilya kong sugat dahil sa kanya. Kanina nag away kame sinampal nya bunganga ko tas umalis sya nag inom kasama mga katrabaho nya. Pag uwi nya lasing nag away kame sinaktan nya ako binatukan sinabihan ng palamunin nya lang daw ako tas hinampas sa likod para di sya nakukunsensya na makunan ako ! Nung nakaraan tinampal nya ako sa bunganga nagdugo yung bunganga ko pero parang wala lang sa kanya pag sinasabi kong mag hiwalay na kame ayaw nya. Pagsinasabi ko na magsusumbong ako sa pamilya ko sasabhin nya wala naman syang ginagawa saken. Mahilig talaga syang manakit syempre napapaganti din ako pero pag sobra na pananakit nya saken iiyak na lang ako tas sasabhin nya iniiskandalo ko daw sya sinisira ko buhay nya? minsan kinukumpara nya ako sa mga ex nya? ang panget ko daw ang payat muka daw akong butete? sinasabihan nya din akong pokpok kase ganon nya daw ako nakilala?dati kinutongan nya ako nagkabukol ulo ko ? madalas nya din akong tinutulak?minsan natatakot nadin ako baka duguin ako sa sobrang pananakit nya?wala syang binibigay saken pampacheckup sinasabi nya saken humingi ako sa pamilya ko?hanggang ngayon wala padin syang ipon para sa anak nya miske piso wala. Like ngayon kailangan ko magpapelvic ultrasound ayaw nya ako samahan sa hospital wala daw syang alam don ginastos nya din yung perang bigay ng ate ko para sa pangultrasound ko .????? 6 months preggy here?

219 Các câu trả lời

Girl wag ka pastrong! Iwan mo na yang hayp na yan. Hintayin mo pa bang may mangyari sa baby mo bago mo sya hiwalayan? Maawa ka nlng sa sarili mo at sa baby mo

Dito mo i save mga pic mo di nya maiisipan na dyan mo sinave. Kung ako sayo gumawa kana ng paraan wag mo nang hayaan na pati anak nyo madamay sa ginagawa nya

Babae ka hindi babae lang. hindi ka dapat sinasaktan momsh. di ko pa natatapos basahin ung post mo pero please irespeto mo ang sarili mo hiwalayan mo na yan.

Pic mo mga sugat Mo Tas Mag pa tulfo ka. Kung ayaw Mo sia Layasan. Yun nalang gawin Mo. Kasi ang best na dat gawin Jan Umalis Kana Bumalik Ka Sa pamilya Mo

layasan mo na yan. tatanggapin ka naman ng magulang mo eh. wag mo hayaang saktan ka nia ng paulit ulit. hindi sya dapat maging ama npkawalang kwenta nia.

Pakulong mo! Mag sumbong ka sa mga pulis. Tpos mag hiwalay na kyo... Kaya mo yan. Kesa nmn mag titiis ka sa hinayupak na lalaki na yan. Adik ba yan 🤨

Iwanan nio na po pag ganyang lalaki puro alm lng ang papanakit.hyaan mo siya tiisin mo sia.sobra ka ng naaagrabyado,nd sia marunong rumespeto ng babae.

may god sis bat ka nagtya2ga sa lahat ng ginawa nya sau d mo ba naisip anak mo na pede mawala sau kc sinsaktan ka nya ..hiwalayan mo na yan sis ..

Alam mo namn na sagot base sa kwento mo sis, hays. iwan mo na para madala. magpaktatag ka fornyour baby! Di sya kawalan lalo na at wala syang kwenta

Ipakulong mo yan ng matuto just make sure na meron kang mga pasa at magpamedicolegal ka para makulong yang walang kwenta mong kalive in then move on

Câu hỏi phổ biến