Vaccine
Hello mommy’s! My baby is 3 months old dipa po sya nakakapag pavaccine nadelay po yung pagpapavaccine nya na dapat supposedly 6 weeks after birth. Di kase sya tinurukan kase nag antibiotic sya for about 2 weeks, pag tapos naman nya mag antibiotic naglock down naman. Hay nakakaworry lalo na may kumakalat na virus ? okay lang po ba madelay yung vaccine?
As per doh di po nagsasara ang center kasi safety naman sila lumayo lang sa maraming tao like ipapilista niyo po muna siya pag malapit nasiya dun niyo siya dalhin ibalot niyo lang siya at kayo. Dala kayo ng alcohol to spray ganon ang safety tips na ginagawa namin hospital pa kami nagpapa inject sa pedia at yun ang bilin huwag namin dikit sa bawat pasiyente.
Đọc thêmNot sure po mommy kasi dapat sa 3 months, nasa 3rd dose na po siya ng pentavalent and polio vaccine. Tapos po pagkapanganak dapat may BCG and first dose ng Hepa B po.
Nakapag bcg and hepa1 naman po si baby nung nasa hospital pa kami. Yung for 6 weeks yung di natuloy momsh
Mas delikado po pag lalabas ng bahay lalo at wala pa sya kahit anong vaccine, after na lang ng lockdown pa vaccine agad. Basta wag lang muna ma expose si baby
Same case.... sna matapos na lockdown wala p dn vaccine babay ko...
Same case momshie.. Sarado p na din ang center samen
Sana nga momsh 😢