Hello mommies!
Nag-request po kasi yung OB ko sa private hospital ng lab tests. Nag-canvass na din po ako sa hospital na yun ng price lists at medyo namamahalan po ako. Ang ginawa ko po, nagpa-check up ako sa lying in malapit sa amin at nagpa-lab test ako sa kanila kaso 4 lang po na test yung ginawa compare sa nirerequest ng OB.
Yung requested ng OB ko na tests ay FBS, HBsAG, VDRL, CBS w/ APC, Blood Typing, at Urinalysis. Sa lying in kasi Urinalysis, Blood Test, Hepa, at Infectious Disease eh.
Okay lang ba na i-present sa OB ko yung na 4 tests mula sa lying in tapos yung kulang gagawin ko na lang sa hospital? Hindi po ba magagalit si OB?