9 Các câu trả lời
paano mo po ba nasabi mommy na konti lang nakukuha nya sayo? are you pumping? umiiyak ba si baby pag naglalatch sayo? nakakatulog po ba sya while feeding? mas maganda mommy to ask her pedia kung anong magandang ibigay for your baby. mommy karirin mo lang yung breastfeeding. wag ka muna mag mix feed. yung milk supply mo mamsh ang palakasin mo. hangga't naglalatch si baby sayo ibig sabihin may nakukuha yan. :) maliit lang naman ang tummy ni baby. try your best hanggang mag 3 months or 6 months na before trying to add formula to baby's diet kung talagang hindi lumakas ang supply mo. ganyan din kasi ako nung una, feeling ko nde sya nabubusog sakin, nagpunta pa ako sa lactation consultant, dun ko lang nalaman na as long as baby is gaining weight and mukha naman syang kuntento after every latch then no problem with supply. may babies lang din kasi mommy mahilig nakalatch, meron ding hindi pa nakukuha ung perfect latch, meron ding nibbler na tinatawag. promise nakakaloka ang breastfeeding lalo na sa simula nakakapraning because it's not easy. pero rewarding in the long run :)
as much as possibles mas maganda po mam breastfeeding pa rin po... kahit po konti nakukuha nia pa dede lang po kayo ng pa dede tas try nio po kumain ng may sabaw o higop kau sabaw na may malunggay leaves..maganda po ang malunggay lalo na po sa mga bagong panganak na wala pa po masyadong gatas... ako noon ganun din pero ginawa ng mga in laws ko pinakain po ako ng papaya with gata at malunggay... ta pinahilot din po yung likod ko para maganda din dw po flow ng gatas.. dumami rin po gatas ko...
be practical kng kaya sa bulsa why not doon sa mamahalin pero pag tama lang ang kita nyong familya wag pilitin ung mamahalin na formula milk... or depinde kng saan hiyang c baby.
hipp organic po sa mercury at robinson supermarket po meron pero consult nyo muna po first sa pedia nya .and take po kayo natalac para po sa breastmilk nyo .
nan hw optipro kaso sobrang baho ng poop. parang bulok na itlog.😂
hipp organic. sa mercury drug store lang siya available.
yay thanks mommy!!!
Enfamil A+
Nan HW Optipro
nice yan momsh pero magshift lo ko ngayon sa Nan Sensitive.
sach