Try talk to your husband mi. And kausapin mo nalang din ng mahinahon at maayos ang in laws mo para di sila ma offend. Sabihin mo na kagagaling ni baby ng sakit, kahit magrest muna sya kamo ng ilang linggo pa. Pag ikay na saka kayo dalaw dun. Or kung gusto nila kamo visit sila dyan sa bahay nyo. Kasi mainit panahon ngayon, tapos paiba iba din. Same tayo LDR din kami ng partner ko, but its either ako or sya magsasabi kung kelan kami visit sa side nya. Minsan tatanungin lang nila ako/kami kung kelan kami uuwi o dadalaw sa kanila. Pero pag alam nilang maulan, makulimlim or umaambon ambon, or kung may sakit sila sa bahay, sila din magsasabi na wag muna kami dalaw sa kanila. Kaya thankful din ako kasi iniisip/kino consider nila health ni baby.
pwede po direktahin na kakagaling lang sa ubo ng baby mo at baka magkaubo uli mapupurga na sa gamot tsaka na lang kamo pag okay na si baby mo. ganyan kase ako pag ayaw kong pumunta sa kanila ldr din kase kami ng asawa ko at nasa side din ako ng mama ko nakatira yun lang dinadahilan ko pag ayaw kong pumunta haha lagi kase nakakalanghap din don ng usok ng sigarilyo anak ko kaya tinatamad ako mag stay ng matagal don kahit mababait naman sila at maasikaso nakakatamad pa din kase pag uuwi kami nagkakasakit naman anak ko
kung gusto nila makita, sila mag adjust alam ng 2mohths pa lang si baby, hindi ikaw po ung mag adjust sa kanila what if magkasakit po sya? sila po ba nag aalaga? diba hindi naman po. stay kana lang sa bahay nyo mami. hayaan mo kahit magalit sila. kalusugan lang naman ni baby ang inaalala mo po
relate ako sayo mi, after ko manganak 3months kami nagstay ng asawa ko sa kanila at ang hirap talaga gumalaw kapag ganyan ang set up kesyo ang dami dami pamahiin at bawal daw ang ganun. Pero maganda diyan mag usap kayo mister mo para siya mismo magsasabi sa parents niya.
hehe same . ung byenan ko din pag gusto makita mga bta tatanungin kmi kung klan ppunta dn sa knila . ako naman sa isip isip ko gusto pala mkita mga bata bkit di sila magpunta dto sa bahay .. 3 na anak ko mahirap na magbyahe kasama mga junakis ..
"mama next time nalang kami punta sainyo kasi bago lang nawala ang ubot sipon ni baby, pag complete nalang ang vaccine nya. kung may time kayo ma, kayo muna visit dito saamin para iwas sakit kay baby ☺️" if i were u, ito sasabihin ko.
kung gusto nila makita apo nila puntahan nila hindi mo responsibility na dalhin si baby sa knila.hindi kayong mag ina ang mag aadjust saknila.
Relate mag 2 months palang baby ko na byahe na agad papunta sa byanan ko tas malayo pa at kaka panganak kopa non sobrang hirap pero sayo mi kung same lang naman ng lugar sila na mag punta sa inyo
gusto lang naman nila makita ang apo nila... yun lang un... wag mo masamain oo iniingatan mo anak mo kaso isipin m dn ang in laws mo.... mnsan lang aman ie d aman araw araw
Kung gusto nila makita si LO mo dapat sila ang pumunta jan hindi ung baby ang mag aadjust na sya pa ung lalabas kasi gusto sya makita ng lolo at lola nya.
cjmndgm