Biyanan
Mommies, yung biyanan ko kase palagi nyang pinapadede sa bote si baby ko ng nakahiga tas hahayaan nya ng makatulog, hindi nya na pinapadighal. Sobrang natatakot po ako para sa anak ko kase sabi ng ob at pedia nya hindi daw tama ang ganun baka daw dumiretsyo sa baga ng bata. Breastfeed din po ako pero nakukulangan sila sa gatas ko daw kaya pinapadede ng biyanan ko sa bote. Any case po na ganun din kayo magpadede sa mga baby nyo? Naiinis ako pag nakikita kong ganun dumede anak ko e pag sinasabihan ko namang kalungin at padighalin ayaw makinig ng biyanan ko, ganun daw sadya okay lang daw yun. Sobra akong naiinis talaga hayyyyys naiiyak nalang ako 😭