Remedy sa MANAS
Hi mommies, tanong lang po. on going 26weeks palang ako buntis pero namanas na paa ko tas masakit daliri kada gigising. sa nature of work ko kase maghapon lang ako nakaupo. ano po home remedy nyo sa manas? thankyou
Tayo tayo ka rin sis pag 1hr ka nang nakaupo sa work, tayo ka lakad ng konti kahit 10-15mins lang, then itaas yung paa kung nakaupo ulit. wear comfortable shoes din po. ganyan din ako nung buntis sa 1st ko pero nasa 30-31weeks ako nun dahil sa nature din ng work as a nurse, lagi namang nakatayo halos di nakakaupo 😅 then sa kamay at daliri naman nagkaganyan sakin nung 32weeks na, soak lang sa warm water every morning then massage po.
Đọc thêmneed mo din maglakad2 sis di pwedeng maghapon nakaupo. pag wala kang pasok sa umaga maglakad2 ka parang exercise muna hanggat maaga agapan. Alam ko pwede din mag cause yan ng CS eh ganyan sa hipag ko.
ganyan din ako mii. masakit mga daliri ko kada gising sa umaga. try mo mii i close open lagi kamay mo pag gigising ka then konting exercise at lakad lakad mi
sakin nawala lang pagkamanas after ko pa manganak 😅 tsaka yung pnanakit ng daliri. normal lang po yan mi sa buntis.
Lakad momsh kaso bumabalik din agad e. Ako one week nag manas pero ngayon bumaba na, edd ko na sa 5
lakad lakad mo lang yan mi. Ganyan ginawa ko naagapan ko
mag walk ka po every morning and afternoon
Elevate your legs po -RN here
kain ka monggo momsh