14 Các câu trả lời

TapFluencer

pimples: ganyan ako sa unang trimester as in nagusap usap sila na sabay sabay lumabas 😂 ang ginawa ko, madalas ako maghugas ng face (mild facial wash morning and evening: water only kapag lunch time and pm). twice din ako maligo kasi summer pimples sa likod: body scrub and change your shirt often kahit nasa bahay ka lang. pangingitim: wala tayo laban sa hormones. babalek din yan sa date. tiis lang and dedma sa mga matang mapanuri. 😁 btw, im having a baby girl.

Yung akin naman po ngayon lang lumabas kung san nasa 3rd trimester na ako. grabe talaga sobrang dami lalo sa likod ko tas sa mukha ko naman sa may bandalang gilid lang. I'm having a baby girl too 😊

sakin po sa panganay wala Naman pimples lumabas Lang nung lumabas na si baby ko sa puyat dun ako na nag mukhang losyang 😅 Pero naaalala ko sa first born ko lumaki ng konti ilong ko..Pero ngayon second ko wala ☺️ blooming nga daw ako at Di halata ng buntis currently 32 weeks and 1 day na ako ☺️ malaki Lang tummy ko Pero walang nag bago... Arte Arte din gusto ko laging nakaayos kahit sa bahay Lang naka liptint. baby girl ulit 🥰

VIP Member

Sad to say sis sa ngayon wala siguro effective at safe n way para mawala sila.. pero try mo to para hindi sila mairitate or lumala, yun ay WAG KANG MASTRESS. Hehe Baka lalo mabaliw ang hormones mo sis ay grumabe lang sila, yrust me pag ka anak/breastfeed mo madmi kna mggawa para iabalik ang alindog mo, hndian kasing kinis nung una ang mahalaga hindi pa ktapusan ng mundo, char. Oks lang yan.. Saka mo na isipin, maliit n bgay. 😊

Sabagay. Kaya siguro ako nastress sa pimples kasi ngayon lang ako nagkaroon ng ganito ka dami pero siguro iwasan ko na din stress para di sila lalong dumami.

azelaic acid po derma prescribed na safe sa preggy and lactating. sabi po ng ob ko pwede din bio-oil pero dko po ginawa kase i think makaclog lalo un oil sa face. nagclear po face ko sa azelaic acid kahit lagi akong stressed at puyat nun preggy ako. you can use it as spot treatment or sa whole face. also use mild cleanser din po saka sunscreen sa morning.

TapFluencer

Hello Mommy, ang ginamit ko po para sa mga pimples ko nun is yung Hello Glow All Natural Whitening Set, safe po yan for preggy. Then sa pag itim naman po ng balat wala po yatang solution dun. Kase sakin nangitim yung kilikili ko saka singit pero after ko manganak bumalik na siya ulit sa dati. 😊

Maraming salamat po 😊

VIP Member

wala pa sa ngayun momsh after muna manganak tsaka kana mag-isip 😅😅 bsta bilin ni o.b sakin moisturizing lotion lang daw kahit j&j lang pra maiwasan mgdry at mangati..hanggat ndi pa lumlabas c baby pwede pa daw yan dumami ganyan kase aq 😅😅

TapFluencer

mawawala din yan momsh. jusko ako likod, braso at dibdib tadtad ng pimples talaga. gamit ka na lang ng sabon na mild like dove sensitive. mahirap na gumamit ng kung ano ano kasi baka maapektuhan si baby :) Tiis na lang po talaga.

sakin po rosmar products po ang mga ginagamit ko po kasi safe sa buntis at lactating mother's ☺️ so far so good naman po ☺️ try nyo lang po search sa shoppee ma'am..d po ako endorser hehe..yon lang po gina gamit ko mommy

same po tayo ma'am 😅

Hayaan niyo lang yan mommy kasi lahat ng pangpatanggal ng tigyawat ay maraming chemicals which is makasasama kay baby. kunting tiis lang at pagkalabas ni baby is pwede niyo ng gamitan ng sabon

Thankyou po. Much better nga po sigurong hayaan ko nalang para wala akong sisihin if ever na may mangyari sa baby ko 😊 konti nalang nadin naman po na pagtitiis.

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan