?
Mommies, sino nakaka experience sainyo dito na si LO nyo pag sumusuka ng gatas lumalabas pati sa ilong? Worried din po ba kayo pag ganun? Ano po kaya pwede gawin para maiwasan yong ganun? 13 days old pa lang LO ko ?
Formula po ba iniinom ni baby? If yes, naooverfeed po si baby. Ganyan din po kasi anak ko. Ang lakas dumede, nakakaubos ng 4 oz kahit days pa lang sya. First time mommy din po ako kaya hindi ko alam. Sabi ng pedia namin dapat 1 oz every 3 hours lang ang dede ni baby. Lagi din sya ipaburp pagkatapos. Kailangan din po i-elevate ng 30 degrees yung unan ni baby for atleast 30 mins to an hour after nya mag burp if magssleep na sya. Nagpalit din po kami ng milk mommy. Frisolac AR yung nirecommend ng pedia. Mas malapot sya compared sa ibang milk pero mas ok daw yun para madigest nya ng maayos sabi ng pedia. Medyo mahal nga lang po. Pero since ginamit namin yun saka ginawa namin mga advice ni pedia, hindi na naglulungad si baby ng malala na lumalabas sa ilong. Try mo din mommy. Hope it works 😊
Đọc thêmNid i burp po c bb kc after mg dede
Kahit po ipa burp nag lulungad parin po sya
Wife x Mom