4 Các câu trả lời

39 weeks and 4 days ako nung nag start ako nag discharge. Pero yung pain tolerable pa naman. Naka pamalengke pa nga ako mag isa nun. Then kinabukasan 5am nagpa takbo na ako sa ospital. Out of 10 nasa 4 na yung level ng pain. Pero nagpa takbo na ako sa ospital kasi medyo malayo saamin at considering ng situation natin ngayon na may covid. (September 25 ako nanganak mi.) pagdating ko doon 3 to 4cm na daw. Negative naman sa covid Kaya doon ako na admit sa ospital na yun. Maghapon habang tumatagal lalong sumasakit. Pero never nila ako narinig na umungol at umiyak. Every time na maka ramdam ako ng pain, hinihila ko yung pintuan (nasa tabi kasi ako ng pintuan) habang yung mga kasabayan ko iyak ng iyak at sigaw ng sigaw. Sabi ng nga nurse at midwife buti pa daw ako tahimik. Mukhang hindi pa daw ako nakakaramdam ng sakit. Sabi ko naman halos nga po magiba ko na tong pintuan nyo. 🤣🤣🤣 Not until mga 1 hour before pumutok ang panubigan ko. Doon na talaga nag start ang totoong battle. 😂😂😂 As in feeling ko talaga ikakamatay ko na yung sakit. Yung ulo ko talaga naka pa ilalim na sa silong ng lamesa. Sinusuntok suntok ko na din yung ilalim ng Mesa sa sobrang sakit. 😂😂😂Tapos nila layasan ako ng mga midwife. Akala siguro nila easy easy lang ako. 😂😂😂 Pero Mababait naman sila at ma asikaso. Nga pala first baby ko tapos wala pa akong bantay na kasama sa loob. Bawal. Nasa labas ng hospital yung partner ko. Lakasan lang talaga ng loob. Kapag nararamdaman ko na hihimatayin ako, sinasampal ko talaga sarili ko. Sabi ko mailabas ko lang baby ko okay na ako. 11pm pumutok na panubigan ko. Nag lakad na ako papunta sa delivery room. Kabilang room lang naman. 11:10pm lumabas na si baby ko 😊😊😊 lahat ng sakit hindi ko alam kung saan napunta. As in Nawala lahat. Nung nailabas ko si baby. Sarap sa pakiramdam.

37 weeks and 6 days nung start ko nung labor 4cm na dapat check up lang that dat then ini admit na ako ng ob ko. Tas kinabukasan nung nasa delivery room na ako kase dun na daw antayin pumutok panubigan ko. Ang dalawang nurse na kasama ko nag usap lang ng about sa bag habang pumutok na panubigan ko. Tas na emergency CS ako kase pinabayaan ako nung dalawang nurse na nakasama ko sa delivery room.

Diko naexperience maglabor, naexperience ko lang bago manganak 1week na nagbabrown discharge pero no pain. 35weeks ako nun nanganak. Check up lang sana pero 3cm na and progressive na nakakapa na nya nagulat nalang kami di na ako pinauwi in 30 mins bubutchakin na pala. Kaya nauwi bigla si mama para kumuha ng gamit namin ni baby.😂

Ng Nglalabor ako sa 2nd bb ko.. Ang midwife ng koreanobela pa kasama ko sa operating room😂😂 kc mdyu 2-3hrs din bago pmutok panubigun ko.. 😀😂😂

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan