5 Các câu trả lời
Hi mii ako kakagaling ko lang sa almost 4 months na bed rest. Total bed rest pinrescribe sakin ni OB since nung nag spotting ako nung 20weeks. Malapit nako ma full term now kaya mejo nakakapag umpisa na uli umupo, tumayo, and maligo and mag cr sa cr talaga. Hehe Since complete bed rest po ang utos sakin, talagang bawal tumayo at maupo. Everything has to be done ng nakahiga. Even pag-kain, pag-ligo, pag-pee and poo. For pee, i used female urinal na nilalagyan ko lang ng plastic every pee para easy disposal. For poo, i use bed pan. I also line it with plastic for easy disposal. For bathing naman eto mami super recommended ko na nakatulong. Halos once a week lang ako maligo before kasi super hassle talaga lalo pag shampoo kasi if i-hang ko lang yung ulo ko sa bed and may naka abang na batya sa ilalim sobra nakakangawit. So i recommend buy ka din nito super nakaka help sa pag shampoo. For body naman, once a week lang paliguan dahil nakakapagod. Ang ginagawa namin is naglalagay kami ng malaking waterproof mat as sapin. And then part by part yung pag sabon and banlaw using bimpo or washcloth. Madalas inaabot kami halos 1hr dito dahil mahirap talaga. Batya and planggana talaga tapos tapon and refill tubig sa cr. Ang everyday ko lang ginagawa is hilamos, toothbrush, wash ng armpits. May batya lang ako sa bed then water na nasa bote. Hirap talaga sobra. Pero natiis at nakaya ko for baby. Super thankful lang din ako dahil very maalaga si husband ko. Sya nag aalaga sakin full time. Ps. For pee pala i suggest you buy water wipes para wipe ka lang after every pee to avoid uti Pps. Also try to exercise regularly igalaw galaw mo everyday mga paa mo. Then isandal mo sa wall yung paa mo then sipain mo to mimic yung pagcarry ng weight to avoid muscle loss. Kasi ako talagang nanghina lower body ko from pwet down to my toes. Kitang kita significantly yung pagkawala ng muscle. Lastly, ingat ka kasi ako nagdevelop ng kidney stones from bed rest. Isa daw yon sa cons ng bed rest ang makapagdevelop ng other organ problems. Ayun lang, sana nakakuka ka ng idea on what to do and how to survive. Best wishes for you and baby!
Depende po sa case kung bakit bedrest, Ako po kasi may history ng miscarriage kaya Sickleave buong 9 months and di naman po maselan kaya parang normal na paliligo pa rin. Pero kapag totally bedrest like dinudugo po Bed bath po. Yung tita ko po ganun pinapaliguan lang kasi bawal po sya tumayo.
thank you, mommy.
placenta previa totalis ako..pero pwede ako tumayo para umihi at maupo lan para maligo.puro.saglit lan then bedrest lan lage..basta hindi matagal ung pag upo..7.months na ko bedrest..nung una complete bedrest ako ng one month ..30.weeks.preggy palan ako..
ilan months ka na mi..but po kayo na bedrest
bedrest po ako 1st & 2nd tri pero hindi naman ako bleeding, threatened miscarriage case ko, may monoblock po ako lagi sa bathroom, para di nakatayo habang naliligo, tapos shower lang para minimal ang pwersa. saglitan lang din dapat ligo.
noted dito mommy. thank you po sa pag suggest ng monoblock. 🥰🥰
if Complete bedrest at hindi pwede mag CR.. pwede ka mag Bed Bath search mo yan YouTube mi
that's so kind of you. salamat po ulit. God bless you too!!
Em Feliciano-Garcia