Namimiss din kaya ako ni baby?
Hello mommies! Respect post po 🙏🏼 Tanong ko lang, kilala kaya ako ni baby? 1 week sya nagstay sa NICU kasi need bigyan ng antibiotics for neonatal sepsis. Pero binibisita ko sya every other day para ebreastfeed. Nung inuwi ko na sya, may routine ako ginawa. Bale tita ni partner yung nagbabantay kasi di ko talaga kaya magpuyat (umiiyak ako sa pagod, sa sakit sa likod, also first time mom ako and only child, so wala akong alam pano magbantay ng bata). Kaya din nag switch nalang kami sa formula kasi di ako mentally okay post partum. Routine namin is, work ako sa morning (halfday), tapos, tulog ako hapon until 7/8pm (which andun si baby kay tita), kasi kami ni partner magbabantay, gabi until 8am, bale kami night shift. Ngayon, dalawang beses ko na napansin si baby na kapag two days wala si tita, grabi yung iyak nia, since hapon until sa gabi, matutulog lang ng maikling oras, gigising naman na umiiyak. Kahit napadede ko na, napalitan ng diaper, hindi naman mainit sa kwarto namin, nakaburp na din, binigyan ko na ng gamot pang colic (Restime). Pero grabi padin talaga iyak niya. Same iyak nung di umuwi si tita for two days. Natatakot ako baka clingy na si baby kay tita. Parang nagseselos na ako nung na realize ko yun. Kilala pa kaya ako ni baby? For sure attached din si tita kay baby. Di ako magaling sa confrontation, pero need di naman need ilayo si baby kay tita diba? Or unti-onti ko nalang sanayin si baby samin? Paano po ba? Di ko alam ano una gagawin. 🙏🏼#advicepls #pleasehelp #FTM #firstbaby #firsttimemom #respect_post