?

Mommies, please help. What should I need to do? Medyo mahaba po ito. Yung partner ko po noong unang nawalan siya ng work, meron siyang kakilala noong high school siya na HR ngayon sa isang company na ipinasok siya sa work sa isang resto. Thankful naman ako pero parang nasosobrahan ako sa chats nila parang close na close na. Nakakaselos sobra. Nagaway kami ng dahil dun muntik na kaming maghiwalay. Ang sinasabi ko lang kasi sakanya magthank you then end of convo. May access ako sa fb ng partner ko, inunfriend ko yung girl. Tapos noong isang araw nakita ko inadd ng girl yung partner ko pati yung friend ng girl na HR din. Nagtataka ako bakit? Anong kailangan? So chinat ko yung girl na nagpasok sa partner ko gamit fb niya kung anong kailangan, yung girl is being so defensive na nagtatanong lang naman ako. So hindi na nagreply yung girl. So after nun gamit ang fb ko, chinat ko yung girl saying na "matuto kayong dalawa ng kaibigan mo ha. Kapag may asawa't anak na, huwag ng kumerengkeng pa", so after few hours finally nagreply na yung girl, ano daw yung hinihimutok ko, naghaha react lang ako sa chat niya then nagchat ulit siya ng english, tapos ang sabi ko huwag ng paenglish english pa dahil wrong grammar naman. Nagreply siya ng "hahahha okay tanga ka ba" tapos ang reply ko "hahahahaha ulol". Tapos biglang vinideo call nung dalawang girl yung partner ko gamit yung company phone nagselfie pa sila sinend sakin, talagang nangaasar, tapos yung partner ko nagsinungaling sakanila na hindi daw siya umuuwi sa akin. Sobrang gigil na gigil ako, tinadtad ko ng chat partner ko. Galit na galit yung partner ko sakin bakit ko pa daw chinat yung girl. Sabi ko kapag hindi ko pa chinat yun at mas lumalim pa closeness nila, iba na mangyayari at malakas kutob ko dun sa babae. So ngayon po mommies, yung partner ko nakikipaghiwalay na sa akin at meron kaming anak na 2 months old. Nakikipaghiwalay siya sa akin dahil sa nangyari at sinasabi niya sa akin na isip bata daw ako at never daw ako nagbago. Mommies, ang pagiging selosa ko yun yung number one kahinaan ko. I tried my best na magbago. Marami na kasi ako naranasan sakanya na kapag nagiging friendly siya sa babae, parang nafafall yung girl in the end. Ayaw makinig sa akin ng partner ko dahil wala naman daw siyang intensyon. So anong gagawin ko mommies? Hayaan ko nalang ba siya?

2 Các câu trả lời

Ganyan din yung husband ko nun, nabasa ko lahat ng convo nila ng girl at niyayaya nya pa lumabas. Sa point na nag away din kami at chinat ko pa yung girl, nag sorry kasi hndi nya daw alam na may asawa na. Mga panahon na yun dalawa na anak namin at wala pang 1 month old yung bunso so nasa postpartum period pako. Takot sya iwan namin sya ng mga anak nya kaya tumigil sya, sinabi ko kahit anino ng mga anak nya hndi nya makikita. Mdami sila dahilan na sasabihin iiyak pa yan pero wag ka papadala sa emotions sis. Wag m. I unfriend i block mo yung mga girl na ka chat nya pra hndi na ma add hubby m. Ganyan ginagawa ko pati mga fino follow nya lahat blocked.

Wala na sis. Hindi na din siya umuwi dito sa bahay.

If mahal ka ng partner mo sis iiwas sya para gumaan loob mo at d ka mag iisip ng ano ano. Nature kasi ng lalaki ba nae-excite kapag may bagong nagbibigay sa kanila ng attention. Tama ka naman kasi may right ka magalit at magsabi. Hindi ikaw ang isip bata kundi sila. Bakit ka pa papatulan magse send ng pictures. Para ano? To prove something talaga na nao-overpower ka nila? Hay nako

Parang ako pa ang mali sis eh. Di porket yung girl ang nagpasok sakanya sa trabaho wala na kong karapatan na pagsabihan siya. Tska bakit kailangan niya magsinungaling sa kanila na hindi siya umuuwi sa akin. Sabi niya para daw matapos na, anong connect nun? Ngayon sis hindi siya umuwi sa bahay.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan