Hi mommies pashare lang ako ng frustration ko. December nagkasipon at ubo yung anak ko. Gumaling naman pero third week ng January bumalik na naman. Gumaling na yung sipon nya pero may konti pa syang ubo. Kahapon hinalikan sya ng pinsan nya sa lips e may sipon sya hindi ko napigilan kasi may ginagawa ako that time at nakita ko nalang nung nakiss na nya. Ngayong araw may sipon na naman sya, so hinala ko nahawaan sya sa pagkiss sa kanya ng pinsan nya. Nakakainis lang mga mi kasi pabalik balik na yung sipon at ubo ng anak ko. Ni hindi pa nga totally nawawala yung ubo nya may sipon na naman sya. So ngayon ubo at sipon na naman 😩 hindi ko pinanghihinayangan ang pera na pangpacheck up nya pero sana maging aware naman yung mga taong nasa paligid nya, para hindi nahahawaan yung anak ko. Marami din kasi syang pinsan na bata dito at nilalaro sya. Nakita ko nga minsan nung byenan ko ang nakahawak sa anak ko, yung pinsan nya pinapasubo yung kamay nya e nakita kong naghawak ng buhangin yun, tapos yung isang pinsan nya naman na may sipon at ubo nilalapit nya yung mukha nya sa anak ko. Sinusuway ko sila kapag nakikita ko pero paano nalang kapag hindi ako ang nakabuhat sa anak ko 😭 paulit ulit nalang kasi, anak ko naman kawawa hindi naman sila 7mos palang ang anak ko hindi pa sya marunong magsinga o maglabas ng plema. Minsan hindi pa sinusuway ng mga nanay nila. Kaya ako nalang nag aadjust minsan, nilalayo ko sya sa mga bata. Nakakailang gamutan na yung anak ko pabalik balik nalang ang sipon at ubo nya. Sobrang inis ko talaga mga mi 😩