Painless delivery
Mommies! Pano po kaya yung painless vaginal delivery tapos tulog daw yung mommy pag manganganak? Ganun daw kasi magpaanak yung OB ko curious lang din ako if paano. 😊
yan din ang sabi sakin. thru iv, painless daw. hahaha pero nung andun na, sobrang groggy lang pla ako tapos naikot ung buong paligid ko. pagising gising din ako. sa totoo lang, kada humihilab ang tiyan ko, nagigising p rin ako sa sakit kaya di ako naniniwala jan sa painless n yan. mismong resident dr n nagsabi sakin na hndi nman daw painless. may pain pa rin daw kasi need un para maiire mo ang bata pag nahilab ang tiyan mo. ang ending. naemergency cs ako kaya na-epidural ako. yun ang totoong painless para sakin. as in paggising ko, tapos na.
Đọc thêmHi my, painless delivery po is may ituturok sa yong anesthesia, thru lumbar, sa likod po... Para di mo maramdaman ang sakit mg contraction, hindi tulog ang ang mommy kapag nanganganak sa ganun, so since hindi mo ramdam ang contraction po si OB mo ang magiinstruct sa yo kung kelan ka pupush, in any case na nakatulog sa effect ng anesthesia, dun pa lang po gagawin ang fundal push, may tutulong na po sa inyo para mapababa ang baby, ginagawa din po ito sa mga mommy na hindi maalam umire, or maliit ang sipitsipitan... 😊
Đọc thêmSakin po habang nag labor inofferan ako Kung gusto ko daw Ng Painless. Pumayag ako, may ininject sa hiya ko habang nanganganak ako. Kaso ramdam ko pa rn lahat ma sa pag labor sa pag ire sa paglabas Ng baby pati sa pagtahi ramdam ko lahat sobrang sakit pa dn. Hanggang ngayon nagtataka ako kung bakit ganun ung painless. 3rd baby ko na to kaya alam ko walang pinagkaiba ung ginawang painless sakin kumpara sa 1st and 2nd baby ko. Ganun po ba tlga ung painless? Wala nmn pinagkaiba lumaki lang ung bayad.
Đọc thêmMommy I think patutulugin ka after mo manganak.. Ako nga mi na CS twice pareho ako gising while nasa surgery.. Tapos nung nag baby out na at napakiss na sa akin si baby with selfie saka ako pinatulog. Dapat ready mo din cp mo para may pa selfie kayo ni baby pag kiniss mo siya😊 wag ka papayag na tulog ka mommy worth it pag narinig mo iyak ni baby mapapaiyak ka din sa tuwa❤️
Đọc thêmi dont know pano yung tulog ka pero vaginal delivery,parang di ka makakanornal delivery kung di ka naman iire.. ako kasi normal delivery at spinal block.. buong labor naexperience ko then nung nasa DR na ko wala na kong nafeel na pain nung nilalabas na si baby habang umiire ako nung nagcut si OB sa akin. ang ramdam ko lang may lumalabas, ganun.
Đọc thêmbaka ung painless thru iv. actually ako nakatulog na ako nung naramdaman kong lumabas na baby ko. super nakakagroggy ung anesthesia na un hanggang kinabukasan. no pain at all. normal delivery ako. ang naramdaman ko lumabas na ung braso legs tapos nakatulog na ata ako tpos narinig ko ung iyak baby ko. nagising ako after 2hrs
Đọc thêmparang ganun nga ata mommy. ksi bukod sa huling ire ko yun, maliit pa sipit sipitan ko
Parang wala pa akong naririnig na ganun mommy, kasi dapat awake ka para magpush. Kung CS, possible. Ako sa bunso ko, after ko umire at nung alam kong nakalabas na si baby, ang himbing na ng tulog ko 😆 ni hindi ko naramdaman kung nagdede ba siya sakin or something. Clarify mo rin po sa OB mo para sure 😊
Đọc thêmNgayon ko lang nalaman na pwede pala yon. Haha! Ako kasi na sedate during labor pero dahil intense yung pain di din ako nakatulog. Nakatulog lang ako after ko ma deliver si baby. Nakita ko pa siya pag labas. Pagkatapos kong makita, nakatulog ako agad. Nagising ako after 3hrs pero groggy pa din. 😅
may napanood po ako sa tiktok painless din daw po siya nanganak. May tinurok daw sa likod niya na pang cs tapos non nakatulog na siya tapos nagising siya nung kakalabas lang ng baby. Saka niya lang daw naramdaman yung sakit after kasi nga daw po is force nila kinuha yung baby sa loob.
Meron po pala non.. Cs po ako sa 1st bby ko.. pero hndi ako nakatulog nun habang cni-cs aq pero antok na antok Yung ramdam ko nun.. pero Hanggang mailabas ko c bby Hanggang recovery room ..until nilipat nq sa room ko hndi talaga ako nkatulog😂
Excited to become a mama