Pregnancy
Hi Mommies! Pakiusap sa mga dinudugo, wag na kayo magpost dito. GO TO YOUR OB RIGHT AWAY. wala pong makakatulong sainyo dito, just your OB. let's prioritize our baby's safety.
💯 % agreed 😊 no offense meant po pag ganito na concern kesa mag post po dito much better go to OB/midwife kasi hindi naman po agad agad din na pag nag post dito nasasagot agad sa dami din natatabunan. Kaya kung URGENT talaga like ganyan concern wag na po I post bago may mga magagalit pa pag di agad nasagot ung post nila😔 real talk YES malaking help tong apps na to pero sana din a aging responsible din ung ibang mga member para maging ok samahan dito sa apps na to😊 marami kasi kami case hindi naagapan lalo na about sa mga ganito spotting/bleeding pag ask mo bakit di pumunta agad kay OB sasabihin may nag sabi kasi sa knila na normal ganito ganyan wala na late na bago makapunta sa specialists na dapat unang na puntahan para nabigyan agad ng proper treatment 😔
Đọc thêmlearned it the hard way. i asked people before uf ok lng sabi bedrest sabi ng iba is implantation bleeding lng yun pala threatened abortion na. nawala baby ko dahil sa kapabayaan ko. Now I am on my 8 weeks na ulit. dapat talaga OB pinag kakatiwalaan not random strangers basta dinudugo cguroga advice like how to handle pregancy or handle newborns I will highly rely on this app
Đọc thêmmadami yan dito nagppost ng mga ganyan. imbes na dapat unahin nila sarili at yung bb mag ppost muna! lahat po ng tanong doon kay Ob ang sagot... pati pamahiin at sabi sabi dito itatanong na sana dapat sa ob para mas maliwanagan sila... ang iba nasasagot lang nila dito base lang sa karanasan nila pero di ibig sabhin na pare- pareho yun kaya maige sa ob/midwife muna tanong.
Đọc thêmoo nga momsh, maging sensitibo naman pati sila kahit konte kasi yung iba dito di sanay makakita ng ganon lalo na buntis,saka lahat kasi talaga si midwife/ob lang makakasagot ,kung meron man dito makasagot eh wala din naman magagawa mas maige diretso sila sa ob mas maagapan mas matutulongan mas mapapayuhan at maliliwanagan kaysa dito sila sa apps magsayang muna ng oras bago pumunta sa ob nila..hays!
Hay nako madami nyan sa mga fb group. Nag post na nauntog daw ang baby tapos nagsuka, ano daw ang gagawin worry daw sya. Madami na nag comment na idiretso sa ER kasi delikado kapag sumuka ipinagpipilitan pa nung tangang nanay na nag post na kesyo masigla naman daw. 😐 Sobrang nakakainis na sobrang obvious naman na EMERGENCY na yung ganap magpo-post pa.
Đọc thêm100% Agree. I experienced spotting sa 1st trimester ko kaya Napa complete bed rest ako at nag take pampakapit. nung makita ko may spotting ako immediately tinawagan ko ang OB at deretso agad sa hospital. spotting at bleeding ay walang pinipili trimester. Awa ng dyos Eto mag 5mos na ako
kaya nga po! and thank God hindi ko po naranasan yan hindi rin ako maselan, minsan parang wala lang, hirap lang ako pag matutulog na 😁. pero pasalamt pa rin ako kasi okay pagbubuntis ko.
ako nag thathank ako always kay god diko naransan yung pag dudugo or spotting na tinatawag 4months nako now mag 5 months na 🥰
thanks god kasi una at pangalawang pag bbuntis ko di ko naranasan ang mga spotting / bleeding 🙏🥰🥰
This is very important , great share kase alarming po yun better if you consult your doctor right away
true. dami ko na kasi nababasa na nagtatanong about bleeding :(
Same thought. Concern daw sila pero nauuna magpost. Hindi ba dapat rush ng pumunta sa ob or er?
sabi niidwife not normal daw lalo sa first trimes mas maige magpa konsulta muna sa knila bago magpopost ng kung ano ano dito, saka ako sa awa ni God hindi ko naranasan yan kaya sana yung mga nakakaranas ng kung ano ano magpa konsulta muna bago atupagin ang iba.
agree, kc pregnant po ako kapag nakaka kita po ako ng ganon para kong ng hihina, sorry po.😣
pareho tayo, parang pari ikaw nappaisip "pano kaya pag ganon? pano kaya ganito din ako"? parang pati ikaw nahahawa ,natatakot at naghihina nag iisip ng kung ano ano nagging negative kasi yung iba talagang magppost sila dito. tapos malala pa yung nakunan sila ganon, eh nakakalungkot man pero sana inisip din nila na may momies dito na sensitive sa ganyan, nakakapanghina pagkaganon nakakakita ka ng ganon.