Hello mommies. Okay lang ba kumain ng kumain ng chocolate? Nahihilig kasi talaga ko ngayon sa chocolates. Dati naman hindi pa ako buntis 'di ako mahilig kasi nasakit ngipin ko konting kain ko lang ng matamis. Pero ngayon buntis nako kahit kain ako ng kain ng chocolate hindi naman nasakit ngipin ko. May stocks ako ng Flattops kasi yun pinaka Fave ko ngayon. Tapos 2packs ng Milo nilalagay ko kapag nagtitimpla ako, 3/4 lang yung water sa mug then nilalagyan ko rin ng Bearbrand na gatas ? Pero di ako naglalagay ng sugar. Biscuits ko chocolate flavor din. Mas okay na siguro na sa matatamis ako nahihilig kesa maaalat kasi may UTI ako. Kakaubos lang ng nireseta saken na gamot para sa UTI ko. Bukas balik ko sa OB ko. 13weeks preggy nako ❤
PS: Possible po ba na tumaas sugar level ko kaka-kain ko ng chocolate?