Insect bite scars

Hi mommies. Nastress po ako sa mga insect bites ng baby girl ko. Kahit anong gawin ko na pag lagay ng repellent at pag suot ng pajama sa knya laging may bagong kagat araw araw. Buong katawan na nia po puro peklat. I already tried tiny buds lighten up kaso no effect. Help po. Btw 8months na po baby girl ko. Thank you. #advicepls #pleasehelp

Insect bite scars
26 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

baka po may bed bugs sainyo, much better mag disinfect lalo na samga gamit ni baby wag po lighten up, hindi po effective. Try niyo po UniLove Afterbug eraser, Vegan Baby Cream, Contra Bug Spray then Human Nature Oil repellant or Lotion. for UL Afterbug eraser pag meron parin kahit before after bath maglagay. Vegan Baby Cream dipende kung mahiyang po si baby doon. pwede sa face and body. Contra Bug spray, sa place kung saan madalas may insects don po muna mag spray and hindi muna malalanghap ni baby nakakabahing po after. Human Nature Oil & Lotion Repellant, kayo po bahala kung saan po kayo mas convenient pwede both skin test muna. effevtive lalo na nauuso po lamok these days. Pwede rin OFF Lotion na pang baby very mild lang siya color light blue. Sana makatulong🙏🏻✨️

Đọc thêm
5mo trước

still ask your pedia kung reco rin niya yon, if not you can ask for something else

Same mag 10 months na yung baby ko pero yung mga bite marks ng lamok andun parin sabi ng sister ko mawawala din daw yun kung ano ano bg ointment ang nilagay ko talagang ayaw mawala. Ang ginawa ko nalang lagi syang nakapajama and dinidikitan ko sya ng mosquito patch lagi din syang nakatutok sa electricfan banasin din kasi ayun so. Lagi ko din syang nilolotionan so far yung mga una una nya kasing bite marks naglighten na.

Đọc thêm

naging prob ko din yan nung mga nasa 2 to 5 mos anak ko. pero nung nag 6mos na siya bumili nako ng OFF LOTION FOR 6MOS & UP. hindi kasi tumatalab yung mga sticker repellant eh. tapos sa kapag naman maumbok yung kagat sakanya pinapahiran ko lang ng hydrocortisone, yung calmoseptine kasi parang ang tagal mag heal kaya hindi ko na ginamit yon. sa peklat naman hinahayaan ko lang since nilo-lotion-an ko naman siya.

Đọc thêm

since 6 months si lo ko..i use unilove contrabug deet spray...it works for me..and unilove baby vegan cream para sa marks...mabilis lang mag lighten basta consistent...though totoo na matatanggal din naman ang marks habang lumalaki..as a mom...nakaka stress talaga makita na maraming dark marks ang skin ni baby.hehe.

Đọc thêm

dessowen cream po Mii recommend ng pedia nmin sa mercury lang po nabibili ... effective mawawala din agad yang itim itim na yan .... nadengue Kase panganay ko that time ... 8 months lang sya Nung nadengue Yan nireseta sakin Kase sobra lapitin nya ng lamok tapos sobrang tagal bago mawala Yung itim itim ...

Đọc thêm

Ganyan din po baby ko na stress din ako sa peklat lahat ginawa ko na. What I did is every matutulog sya sinusuotan ko sya ng long sock. Pinapaloob ko yung pajama sa sock para di tumaas yung pajama. Ayun ang pinaka effective na na try ko. No more insect bites and no more peklat na baby ko.

Pag ngrered at nagrereact agad skin ng baby at tumitigas sensitive sa insect bites ang baby according to pedia. Kaya ag nakagat apply agad ng cream. Sakin is drapolene, very effective sa skin ni baby para hindi din itchy tas hindi magkala peklat.

Tiny Buds After Bites if para sa kagat ng insekto. Lighten Up is pang scars. alagaan lang rin ng lotion after. baka need ng linis sa paligid? ganyan kasi sa family compound namin, daming nakatambak kaya di nawalan ng lamok. plus mapuno pa.

Thành viên VIP

natural remedy po kuskusan nyo po ng kalamansi 🤗 pwede pong patakan lang ng konting kalamansi tapos ikuskos ng daliri gently, make sure lang po na yung mga pantal at dark spots ay walang sugat kasi masakit po ang kalamansi sa sugat hehe

same mi, nakaka stress dami na rin po peklat baby girl ko. halos lahat narin natry, wait ko lang yung order sa shopee na mosquito racket yung pumuputok sya pag may tinatamaang lamok tapos namamatay.

5mo trước

ganyan dn po ung gamit ko momsh pero effective nmn po ung nabili ko . namamatay talaga sila . mkikita mo nlang pag morning madami sa floor patay na .. try mo po sa ibang shop ung mas mahal baka po fake yung nabili mo .