78 Các câu trả lời

Ako mommy, wala naman akong prefer na gender ni baby kasi first baby namin sya. pero si hubby malakas ang pananalig na boy sya mula nung una. Tas simula ng maglihi ako mahilig ako eh sa maalat hindi sa matamis (at may sabi sabi na pag maalat pinaglihian mo ay boy ang baby mo). at yung myth rin na kapag dika blooming eh boy baby mo, sakin pangit na pangit ako sa sarili ko, ni hindi na ko nagpipicture o kahit tingin sa salamin. at nong nsa early stage ako ng pregnancy nanaginip ako at nakita ko yung ari ni baby habang pinapalitan ko sya ng diaper (boy 😂) tas nung nsa 2nd trimester na ko nanaginip ulit ako ng isang batang lalaki na umiiyak habang naghihintay sakin.. at ayun na nga this month ung ultrasound ko.. boy talaga sya.. 😍😊

Goodluck mommy! si baby pagka tutok pa lang nung device pang ultrasound alam agad na boy sya.. proud na proud.. 😂

Ako yes. Kase ganun ako, nung nalaman ko palang na nagbubuntis ako based sa paglilihi ko at yung naging physical features ko hula ko boy sya, tapos nung nagpa CAS ako ayun boy nga 😊 Grabe yung lihi ko that time, kulang naman matulog ako sa cr sa opis as in nakaluhod na ako sa bowl tapos tipong nakikihati nalang ako ng pagkain sa mga kawork ko kase di ako nakakaubos ng pagkain sila ang nanghihinayang. Itim nadin batok ko, singit ko pati elek elek pero okay lang kase yun yung patunay na magiging nanay na nga ako 😊

Parang 20 weeks ata ako that time di ko na masyadong tanda kase di ko na pinapansin dahil sabi naman normal lang daw sa buntis yun eh. Tapos ayun sunod sunod na batok, kilikili, singit tapos napansin ko pati utong ko. Kiber, para kay baby naman eh ganun talaga konting sacrifice para sa bata

Update lang po 😇 instinct ko is baby girl talaga, lahat ng sign girl , and lahat sila sinasabi girl talaga, gusto ko rin talaga baby girl. Pero nung ultrasound ko is baby boy ang lumabas, pero 80 % lang daw yun, so hanggang nanganak aki ng june 7, baby boy talaga siya haha , super happy naman ako kasi normal and healty si baby ko 😇🥰😍 sana lahat ng kutob totoo , sakin kasi hindi nagtugma 🤣 Meet my little one 😇

Oo,kasi first baby ko hindi ko sya napa ultrasound,pero alam ko at ang lakas ng pakiramdam ko na boy ang anak ko,kaya un noong lumabas surprise baby sya tas noong lumabas n sya tuwang tuwa ang doctor kasi tama daw ang hula ko n boy yung baby ko😁ngayon 2nd baby ko 24wand3 days,ang hula ng hubby ko e babae,at ganon din nmn ako.,pero kahit ano pa man gender nya,ang wish ko lang e safe at malusog sya pag lumabas😉

ako opo .. haha gusto ko girl gusto dn nila girl pero una pa lang talaga ramdam ko boy to hha .. sinasabi ko dn sa asawa ko na pakiramdam ko lalake talaga ehh .. so ayun nagpa ultrasound kami .. lalake nga .. haha pero thankful p dn ako anak ko p dn to kahit d nsunod gusto ko gender ang importante healthy sya .. and PCOS baby sya so masayang masaya ako kasi nabiyayaan ako ng blessing 😍😍😍😍

Ewan ko lang ,,kc sa una kong pagbubuntis ndi kc ako nagpapaultrasound pero instinct ko kambal sya,ganun nga ngyari natulala nlang ako pag labas nla dlawa😂,at ndi ko na hinuhulaan gender nla,basta mahalag malusog cla.dto sa instinc ko sa pang 3 ko na pagbubuntis😉sana boy na nga to.ndi p nkikita sa ultrsound eh,16weeks plang kc,nkatransverse lie pa,,babalik nlang ako kapag 6months na,

yes mommy. ako before pa magbuntis sabi ko talaga baby boy mggng panganay ko. ngresearch din naman ako on how to conceive a baby boy. pero syempre kung anong ibigay ni lord sbe ko ok skin. 5 mos palang namili na ko ng gamit. pang baby boy khit di ko pa alam yung gender.. sabi ko kung girl naman din sya pde naman niya gmtin mga binili pdn. pero ayuuunnn. baby boy nga 😊

Sana ganun din akin 💋❤ hindi ko pa alam yung gender pero feel kona kung anu 😂💋❤

Yes. Noong hindi pa ako buntis yung friend ko bigla nasabi niya na baby boy raw mgging anak ko. Tpos noong nkpagp.t. na ako pero di pa lumilitaw si baby sa ultrasound. Yung friend ko pingpray niya ako at nakita niya boy yung baby ko..tpos nitong ilang araw lang nanaginip ako nanganak na raw ako boy raw yung baby ko 😍 kaya excited na akong malaman gender ni baby 😊

3months palang sis. :) kaya excited na ako makita gender ni baby :)

Ako, hindi pa buntis alam ko na girl magiging anak ko. Naalala ko nun, binibiro si mama ng mga tita ko kasi puro lalake daw mga nagiging apo nya sa mga kapatid ko. Tapos pabiro ko rin sinabi na wala talaga sa mga kapatid ko yung babae kasi nasa akin. At ayun, nabuntis ako. Pagkaultrasound ko, girl nga baby ko. 😂 Unang babaeng apo ng parents ko. Hahaha!

bat ganun, nung malaman kong magkaka 2nd baby n kami, instinct ko tlaga girl. hanggang sa maglihi ako at umabot ng 5 months girl tlaga pakiramdam ko. pero sa ultrasound boy. 2x chineck ni doc. ika 5th at 6th na ultrasound boy daw talaga. 2D lng nmn sya kaya pedeng nagkakamali hahaha. mas better kaya kung pa ultrasound ako sa 3D?

Ewan ko lang momshie. Siguro baka nagkamali o tama po yan. Wait mo nalang lumabas momshie.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan