Pregnant or Not ?

Hi mommies, nagtry kaming magconceive since malaki na ang anak namin kaisaisa. Nagpacheck up ako jan4 niresetahan ako ng OB ko ng fertility pills for 5days. Pinabalik nya ako ng Jan11 then sa trans V nakita na 3matured follicles ang nakaready para mabuo. Kaya ginawa namin ng Jan11-jan14 si baby hehe utos ni Dra. January 28 if di kami tagumpay sa pag gawa dapat may mens na ako, pero jan 29 na po ngayon wala padin kaya iniisip ko po na buntis na ako. Kasi accurate po ako magkamens, napapaaga pero di nalelate. At kakaiba po talaga feeling ko nitong mga nakaraang araw. NagPT po ako nung isang araw negative, naisip ko na siguro maaga pa para sa PT. Now po 2days na akong delay, kaninang 6pm kala ko magkakaroon na ako kase may nakita akong blood. Kaya naisip ko wala na, niregla na ako? pero inintay kong lumabas o bumulwak pero wala na. Isang patak lang pala ng dugo. Sa mga nabasa ko dito may nakaranas na magspotting pag kumakapit sa uterine lining ang baby. Di padin po ako nawawalan ng pag asa mga moms. ?‍♀ Praying na sana buntis na nga ako.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sana po preggy ka na Sis. Kasi nung gusto ko na ulit magkababy (nakunan kasi ako) nagkaroon muna ako ng spotting na ang mother ko ang nakapansin kasi sabay kami nag CR sa public toilet. May dugo daw pero di ko nakita pero wala naman akong mens. After ilang days feeling ko kakaiba kaya nag PT ako tapos nagpositive ng napakalabo pero may makikita pa din na line .

Đọc thêm