Manas Sa Paa
Mommies nag aalala po kasi ako, I'm on my 20 weeks and kagabi lang napansin ko medyo maga yung paa ko pero hindi naman grabe, namaga lang sya kasi yung paa ko talaga is payat pero kagabi medyo maga sya. Masama daw po kasi sa buntis ung pamamanas lalo nsa 20 weeks pa lang ako. Totoo po ba? Normal lang po ba ito? Pasagot naman po. Worried na po kasi talaga ako sobra. Thank you in advance.
Advice lang mommy para mka tulong . Gawa po kayo ng lana yung sa niyog po lulutuin niyo ung white na kinayod hanggang sa mag mantika siya tapos tabi niyo lng po ung mantika niya and then lagyan niyo ng gas tapos tuwing gabi ang morning haplas niyo po sa paa niyo hanggng binti and then medyas po sa gabi . Gnyan po kasi ginawa ng biyenan ko 32 weeks ba ako and thnks god wala pong ka manas manas yung paa ko.
Đọc thêmOkay na po mga momsh. Galing ako check up kanina and hindi naman daw po edema ito sabi ni ob. Advice nya rin na ayun nga lagyan daw ng unan sa paanan which is ginagawa ko na po kya nawala na po yung pamamanas sa paa ko. Thanks God at safe po si baby ko😊 Thank you po sa mga sumagot. Godbless us all 😊
Đọc thêm25 weeks na po ako pero di pa ako naka experience ng ganyan. Parati po kasi ako naglalakad at hilig ko din po mag taas taas ng paa kapag nasa higaan..(katabi kasi ng higaan ang dingding) ... Pero mahilig po ako ngayon sa salty foods and sweets....
Kada matutulog ka, ipatong mo yung paa mo sa unan. Elevate. Everyday mong gawin yun. Yes, masama ang manas sa buntis. Na emergency cs ako nung 37weeks dahil dyan plus pre eclampsia na yun. Nasa 20 weeks ka palang kaya iwas salty, oily and sweets ka dapat
Nakakaworry talaga yan dahil 20weeks ka plang. Kaya simulan mona itaas paa mo kada mtutulog. Mag healthy living ka kasi para sa inyo ng baby mo yan.
nagkaganyan din ako pero saglit lang din at nawala naman. nakayuling nga ang pag-elevate sa mga paa tapos sinabihan ako ng OB ko ng change shoe size na kasi nakakaapekto rin daw kapag di na komportable ang paa
Ako hnd ko naranasan manasin 36weeks na ako ngayon exercise ka po at walking wag kumain ng salty sweet at oily. Iba iba kac pngangatawan natin meron nmn kac hnd manasin.pero hnd talaga Maganda pag minamanas.
Elevate your feet and drink more water. Refrain from eating salty foods muna. Please monitor your BP and check urine Protein. It's too early for edema pa kasi. It usually appears sa third trimester..
Pag mag sleep ka mommy lagay ka unan sa paa para elevated yung blood circulation nyo. And drink more water. Effective naman sakin kasi di po ako nag manas kasi ganun po ginagawa ko nung buntis ako
Hi mommy Im 22weeks and 4days preggy pero hindi naman namamanas paa ko much better po ask ur OB about that mommy mostly kasi pagkabuwanan na saka pa yan nagmamanas or depende po sa pagbubuntis...
Parang hindi kasi cya normal mommy kasi 20wks palang nakakapagtaka lang kasi kaya consult kana agad sa doctor mo
mom of our baby boy ❤️