Hello mommies na may anak na teenager. I want to seek advice. Pano nyo sila hinahandle? Meron akong pamangkin, 15 yrs old. Kami ni hubby ang guardian nya, nakatira kami sa bahay nila kasi ang ate ko(mama nya) nasa province na sila. Itong pamangkin ko, mabarkada, mga bisyo inom, sigarilyo at online games isama na din ang pag ggf. Pabaya sa pag aaral at palasagot sa nanay nya minsan (mabait naman sya).
Masyadong mabait ang ate ko kahit lagi sya nasesermunan, di pa din sya pinapabayaan. Andyan ang kabitan sya ng wifi, aircon, office chair and table set up para "DAW" sipagin mag aral. Pero wala pa din minsan di pumapasok sa online class at may mga bagsak.
Now nahighblood na ate ko at kausapin ko daw kung mag aaral pa, kung hindi mag drop out na lang at mag aral pag gusto na nya.
Ayaw naman huminto sa pag aaral, pero di naman sya nagcocomply at umaabsent pa din.
Nasstress na din ako as guardian nya.
Any advice?
Anonymous