Mommies, meron po ba ditong may gestational hypertension? Gusto ko lamg mapanatag. May tiwala naman ako sa OB ko pero nagbabakasakali lang na may kapareho ako ng sitwasyon.
34 weeks na ako now, for the past 2-3 weeks, taas baba ang bp ko at di na nagnonormal. Nagtetake ako ng methykdopa - aldomet. Kaya mula sa 1 tablet every 8 hours, itinaas sa 2 tablets every 8 hours na sya. Pero ngayon mataas pa din, kaya tinaas na uli sa 2 tablets every 6 hours. Hays, kaya ko ang dosage ang takot ako ay ang effect nito kay baby. Anyway, may same case kaya ako dito? Salamat po
Anonymous