61 Các câu trả lời

Mabuti at nag gain sya after a week . Natural lng sabi ni pedia na magfluctuate ang weight ni baby after a week he was born kc nag aadjust pa sya.Same din sa kin 6.2 lbs after a week nging 6.1 na lng. Syempre nagworry ako kasi ebf sya .But now baby ko 6 mos na slightly overweight na namn sabi ni pedia😆medyo nalungkot na namn ako ,hinayaan ko na lng eh EBF naman sya. At eversince he was born never namn sya nagkasakit kahit wlang vitamins.Mas nakakastress kung sakitin ang baby 😊

alam ko po normal lamg po yan, yung anak ng co teacher ko maliit din at payat baby nya at exclusive breast feed pero malusog naman yung bata,. wag ka mag stress sa sasabihin nila, may mga tao talaga na pakialamera or wala lng ginawa kundi mamuna nakakainis talaga pero isipin mo na nalang ikaw ang masusunod sa kung ano sa tingin mo ang makakabuti sa baby mo wala din naman sila magagawa dahil ikaw ang mommy nya mas alam mo ang tamang gawin kaya fight lang momsh..

part ng post partum depression. 😊 relax ka lang momshie, as long as alam mong healthy si baby at tama ang pagaalaga mo okay yan..

Don't mind them mommy. I gave birth to a 2.25kg baby girl. EBF din ako and super small nya. Wala sa liit o laki ang basehan ng pagiging healthy ni baby. Yung daughter ko 9 years old na ngayon and super healthy sya. Sobrang rare nya lang magkasakit. Mapayat sya but tama ang weight nya sa hight nya. Just focus on your baby. Hindi makakatulong kung papansinin mo lahat ng sinasabi nila. You're doing great mommy! Keep it up! 😘

Hi mommy, share ko lang hehe flat nipple ako so hirap tlga maglatch si lo skin nasa hospital pa lang super stress ko kasi gsto ko sana breastfeed sya kaso kahit anung gwin ko hindi tlga nagsstay yung nipple ko feeling ko din nun ganyan super stress lahat sila nagssabi sayang mas mataba baby mo pag breastfeed and etc. now 1month si lo mixed feeding ako thru pump As long as healthy si lo dont mind then.

Ganyan din ako mamsh. Inverted nipple ako mula paglabas ni baby naiiyak ako kasi gutom na gutom na siya pero di siya makadede. Pero pinilit ko lang siya maglatch ng maglatch ngayon kapag nagoapadede ako lumalabas na ng kusa nipple ko kapag napupuno na ng gatas. Pina-vacuum sakin ng pedia ni LO yung nipple ko gamit yung syringe puputulin yung bandang lalagyan ng karayom tas ayun yung gagawing pang vacuum, effective naman ilang araw ko lang ginawa.

VIP Member

I feel you sis, ganyan din naririnig ko nun sa panganay ko pero di ko nalang pinapansin eh sa ayaw ng anak ko sa bote eh. 2 years old and 4 months na siya bago nag stop dumede sakin, kung di nga Lang ako nabuntis sa second baby and kung hindi lang sumasakit tiyan ko di ko pa siya iwawalay kasi nakakaawa. As long as healthy si baby wala kang dapat isipin, di naman porket mataba eh healthy na.

Exactly sis. Salamat sa encouragement. 🙂

Dpo importante kung maliit o malaki ang baby sa breastfeed iba iba kc katawan ng baby ang importante po jan e breastfeed si lo mo at malusog..wag ka ma stress.,hayaan mo sila.Breastfeed din aq kay lo 9kg@ 4months na xa grabe din mga naririnig ko over naman daw sa taba lo ko e idiet ko na daw at hindi daw maganda subra taba...ay di pa naman kumakain si lo ko panu ko idiet?hehehe

Haha natawa naman ako mommy. Ganun talaga mga tao no, di muna mag filter ng mga sasabihin. Todo comment lang.hay.

Yung bunso ko din momsh 2.7 kl at 37 weeks..bumaba pa timbang sa 2.4 nung 1st month. Ako mismo ang nag worry. Gusto ko na din mag mix pero ayaw ng pedia so tyinaga ko lang magpadede. Now at 7 mos ok na ang weight nya. Na aattain nya naman yung 1kg a month na gusto ng pedia nya. So wag mo sila intindihin mas maganda ebf kasi hindi sakitin si baby yun ang importante.😊

just ignore them momsh. never ever compare your baby with others.. kung ano way ng pagaalga mo sa anak mo yun ang sundin mo with doctors guidance of course. pero the most important is ung breastmilk. as much as possible wag mo munang imix ng infant formula. mas better ang pure breastmilk. mas healthy si baby nun lahot hindi sya ganun ka taba gaya ng ibang babies. 😊

Wag nyo na lang po pansinin ang sinasabi ng iba..as long as di nagkakasakit ang baby nyo po.. eventually lalaki din po yan. Ang mahalaga healthy at di nagkakasakit kahit maliit at payat.. ang baby ko po nong pinanganak ko 2.7kg. Hindi rin po sia masyado tumaba,pumayat pa nga po nong start ng kalikutan pero bihira naman po magkasakit..

same feel momsh baby ko 36wks ko inank 2.5kl via CS p nputukan kc ko pnubigan kya npaaga😅den as much as possible ebf dn gusto ko hnggng mgttbho ko kso un nga mdmi ngssbi liit ng baby ko tas naikukumpara nga sa mga baby ksbyn nya haist..pero nkktaan nmn sya na lmlki ,ngaun 2mnths nya nsa 4kg n sya tyaga lng tlga llki dn mga baby ntn.😊

Thank you mommy.❤

Câu hỏi phổ biến