Depende sa nakagawian niyo siguro. Si baby kasi namin maaga siya nasleep train, kahit nung newborn pa lang siya hindi namin hinehele. Basta ang routine namin since birth niya sa morning sa sala kami na mejo open ang curtains para may natural light, para alam niyang daytime. Tapos sa gabi sa room dim light lang para makita ko siya, then nagrerest lang din ako para alam niyang time oras ng pahinga kapag gabi.