Hello mommies! May itatanong lang po regarding Philhealth. Employed po ako pero nahinto ang bayad ng Philhealth namin since JUNE 2020 dahil sa pandemic, last na bayad MAY 2020 pa. EDD ko po sa MARCH 2021, balak ko po sana na bayaran nalang ang natitirang buwan hanggang sa kabuwanan ko (march) para may magamit sa panganganak. Kailangan pa ba na bayaran ko pati ang employer share, o yung mismong Member share lang ang babayaran ko? Kasi ang contri ko per month is 237 kung i multiply ko siya sa 10 mos From JUNE2020-MAR2021 nasa 2370 ang babayaran ko, Pero kung isama ko ang employer share nasa 4k above. Paano po ba yun? Salamat po sa makakasagot. 🙏