90 Các câu trả lời
Possible blighted ovum. Sa case ko nag ask ako ng 2nd opinion sa ibang ob. Same advice pwede pa daw hintayin ng another 1-2weeks baka may changes at may mabuo kaya niresetahan ako ng mga vitamins at gatas. Bumalik ako sa ob ko at sadly wala talaga, advice nya sa akin if another week sa ultrasound wala talagang nabuo iraraspa na ako or dasal nalang na kusang lalabas yung inunan or ano mang term nun. Lumabas naman kusa yung sa akin yung parang dinugo ka pero malakas na umabot ng 5-7days. Tapos check up ulit at ultrasound to check na lumabas na lahat at macheck if no need na iraspa. Sobrang nalungkot ako nun, pero after namin magtry ulit ng husband ko ay nakabuo na din kami at meron na akong 6months old na cute at malusog na baby girl.hehehe
sis wait ka muna ng 2-3 weeks bago pa ultrasound kc ako gnyan dn sinabi sken ng ob ko pro hnd ako naniwala muna, sinunod ko yung kagustuhan ko tlga na magka anak kc 40yrs old na ako at first baby ko to basta inum ka lng vitamins at kumain ng tama hanggang pina abot ko ng 5mos tyan ko at nagpa ultrasound na ako, iyak ako ng iyak kc ang laki na ng baby ko nagtaka yung doktor na nag ultrasound sken kya nakwento ko sa knya experience ko sa ob ko naiyak dn sya.. imagine kng sinunod ko ung ob ko dti wla akong anak ngaun na 7yrs ko hinintay.. talagang dasal lng ako kay Lord na ibigay nya na sken to c baby kaya now im 7mos preggy and very healthy at hnd na ako bumalik sa dti ko na ob..
ako nag tvs din March 5, early pregancy din tas dina nakabalik for 2nd tvs dahil sa ecq, kaso nag spotting ako tas nag ER ako closed cervix naman urine test UTI kya nag amox ako, after 2 weeks nag spotting ulit ako kaya nagpa ER ulit ako sabi nagka miscarriage nadaw ako, mga 11 weeks an siguro ako non April 27, pro wla inadvise na gamot or raspa😭 follow up daw ako sa OB ko after ecq😩 umiyak ako ng umiyak kasi diko matanggap after 2 days nag isip ako na pwd pa magka miracle gang ngaun nagpa pray na sana sunod na check up ko andyan lang si baby nagtatago lang🙏 hindi naman kc nagbago tyan ko at pakiramdam ko lumaki naman sya. kaya hoping and praying for miracle. 🙏🙏🙏🙏
mommy musta po c baby mo natuloy poba?
For me po siguro wag muna mamsh. Wait for another week bago ka magparaspa. As long as no spotting or bleeding ka naman then I would suggest na wag ka muna magpaparaspa. In my case, I was 8 weeks pregnant and nag spotting ako for almost 1 week and nung nag request ng tvs si ob ko ayun dun ko na nalaman na wala na si baby :( hanggang sa lumakas na ng lumakas pagbbleeding ko and end up miscarriage. Basta wala kang spotting mamsh wag ka muna paparaspa. Goodluck on your pregnancy. :)
Nagparasa kpa po ba after nun heavy bleeding nyo?
At 5 weeks dapat may yolk sac na, and if walang nakita si OB mo, remember that they aren't Licensed for no reason. It's not about being negative. Wala kasing Yolk Sac or Gestational Sac kaya siguro gusto kang iraspa. For your safety din kasi yon dahil it might cause complications. My first transv was at 5 weeks din with a gestational sac, enlarge uterus, na early signs of pregnancy. If no yolk sac by that time, it is indeed alarming. If it comforts you get second opinion.
not all po may ganun na in 5weeks... ako po 7 weeks na and wala pa... pinabalik lang ako for another TVS after two weeks... at 9 weeks dun pa nakita ang baby. Mas best talaga magpa second opinion sya.
PLEASE SAY NO. Maya kana pumayag na iraspa ka kung nag heavy bleeding with flesh na or until lagpas 13 weeks kana... Ganyan din ako, 7 weeks na and no yolk sac, no fetal pole, no heart beat... pinabalik ako after 2 weeks, 9 weeks, and anjan ang baby... im now on my 36th week na... If blighted ovum ang nakikita ng OB mo, please.maya kana pa raspa....13 weeks.max waiting time.
Ako po Mommy nung unang nagpa-TVS wala din yolk sac and no heart beat, 6 weeks na po ako nun pero may nabasa po kasi ako mommy na masyado maaga pa yung 5 weeks pwede ka po maghintay mommy ng 2 weeks, ganun lahn din po ginawa ko.. Don't give up mommy, kausapin mo din si baby ha kahit maliit pa siya at ndi ka pa niya naririnig and pray always para sa safety ni baby ❤️
Masyado pa pong maaga para makita momsh.5weeks 4days nung 1st ultrasound ko gestational sac palang nakita pinababalik ako pagka 8weeks ko kaya lang naabutan ako ng lockdown,lastweek lang ako nakapag paultrasound ulit 15weeks na ko malaki na si baby. Kaya ikaw mommy wait ka lang po muna after 2 weeks then pa ultrasound kapo ulit kasi masyado pa talagang maaga para makita.
w8 k ng 2 weeks ganyan din ako nung una pinainum lng ako ng folic at pampakapit no yolk sac din po yung 1st tvs ko.. tapos nag spoting nako.. peru aftrr ko uminum ng pampakapit 3 days di nko nag spoting . after 2 weeks lumabas na sa tvs ko en confirm na my baby na .. en healthy pa sya kasi 151 heartbeat nia pray lng din na magiging ok din sya 🙏
Raspa agad mommy? Ako po pinpabalik lang ni ob after 2-3 weeks pa para iultrasound ulit and macheck kung ndevelop na ba talaga si baby s loob ko.5 weeks and 3 days ako nun gestational sac. Walang nkita kahit ano sac lang. Pero wala nmng ibng sinabi na ikakabhala. Niresetahan pko ni ob ng pampbuo and pmpadevelop kay baby. Until now continous lang inom ko
Anonymous