Abdominal wall mass

Hi mommies, I'm 5 months pregnant. Last May 6 yung sched ko ng ultrasound para malaman ang gender ni baby. Baby boy ang aking ipinagbubuntis❤️. kaya lang po nakita sa ultrasound na may abdominal wall mass si baby and inadvised ako ni OB ko na magpa-CAS (Congenital Anomaly Scan) para malaman kung gastroschisis or omphalocele ang case ni baby. As a FTM sobrang worried and stress ako sa kung ano pwede mangyari kay baby. Nagsearch ako about dun and sobrang nadudurog puso na by the time na ipanganak ko si baby ay mag-undergo sya ng surgery. Hindi na din namin alam ng asawa ko kung pano namin maiiprovide yung panggastos sa operasyon ni baby if ever na yun nga ang case. Possible ba na namali lang yung nakita sa ultrasound ko nung May 6? Btw sa June 6 pa sched ko ng CAS.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Kaya ka pina CAS ultrasound mommy ay para ma confirm kung tama ang findings nya. Maganda din kasi ung CAS kasi makikita ang mga anomalies ni baby kung meron man. If ever meron, at least mapag handaan nyo pag labas ni baby.

2y trước

Pray ka lang po na sana misdiagnosis lang un. Ihanda mo na din sarili mo mommy sa result.. Mas okay na yang ng ma CAS. ung nanganak kasi ako ung katabi ko sa ward hindi na sya nag undergo ng CAS ng baby nya kasi wala naman din sila history ng mga sakit.. Ung baby nya kawawa kasi nakita may heart congenital disease. Sinabihan din sya ng OB kung nag CAS daw sya nakita na daw sana agad un at nabigyan sya sana mga precautions para di lumala ung case ni baby nya. Lying in lang din kasi sya nag papacheck up, narefer sya sa hospital dahil na ruptured bag na baby nya.